top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Unkabogable Star, nakabog… VICE, INISNAB NG URIAN, LAGLAG SA MGA NOMINADONG BEST ACTOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 4 min read

ni Rohn Romulo @Run Wild | September 2, 2026



RUN WILD - VICE, INISNAB NG URIAN, LAGLAG SA MGA NOMINADONG BEST ACTOR-IG _praybeytbenjamin

Photo: IG _praybeytbenjamin



Ini-release na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado para sa 49th Gawad Urian.


Pinakamaraming nominasyon ang historical drama na Quezon, sampu ang nakuha nito, samantalang tig-walo ang Cinemartyrs at Sunshine.


Narito ang mga nominado sa top categories.


Maglalaban-laban para sa Best Film ang Bar Boys: After School (BBAS), Bloom Where You Are Planted (BWYAP), Cinemartyrs, Quezon, at Sunshine.


Nominado naman bilang Best Director sina Nonilon Abao para sa BWYAP, Sari Dalena para sa Cinemartyrs, Antoinette Jadaone para sa Sunshine, Kip Oebanda para sa BBAS, at Jerrold Tarog para sa Quezon.


Sa Best Actress, kakalabanin naman ni Anne Krystel Daphne Go para sa I’mPerfect sina Nour Hooshmand para sa Cinemartyrs, EJ Jallorina para sa Dreamboi, Odette Khan para sa BBAS, Maris Racal para sa Sunshine, Rissey Reyes-Robinson para sa Paglilitis, Ruby Ruiz para sa Tigkiliwi, at Geraldine Villamil para sa Republika ng Pipolipinas (RNP).


Bongga rin ang tunggalian sa Best Supporting Actress nominees na kinabibilangan nina Dolly de Leon para sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan (HNNHAK), Alessandra de Rossi para sa RNP, Elora Españo para sa Lakambini: Gregoria de Jesus (LGDJ), Jennica Garcia para sa Sunshine, Gina Pareño para sa LGDJ, Rochelle Pangilinan para sa Child No. 82 (CN82), at Eula Valdez para sa Paglilitis.


Pasok naman sa Best Actor sina Earl Jonathan Amaba para sa I’mPerfect, Jomari Angeles para sa Some Nights I Feel Like Walking (SNILW), Carlo Aquino para sa BBAS, Elijah Canlas para sa Rumaragasa, Julian Paul Larroder para sa Tigkiliwi, Jojit Lorenzo para sa HNNHAK, Miguel Odron para sa SNILW, at Jericho Rosales para sa Quezon.


Marami naman ang nakapansin na nalaglag sa mga nominado ng Best Actor si Vice Ganda para sa Call Me Mother (CMM), at naging usap-usapan agad ng mga netizens.


Samantala, sina Will Ashley para sa BBAS, Amado Babon para sa Magellan, Rico Blanco para sa Manila’s Finest (MF), Joshua Garcia para sa Meet, Greet & Bye (MGB), Enrique Gil para sa MG, Iain Glen para sa Quezon, at Nanding Josef para sa HNNHAK ang mga pinalad na makakuha ng nominasyon para sa Best Supporting Actor.


Ang Gawad Urian ay taunang parangal mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino para kilalanin ang mga outstanding achievements sa Filipino cinema.

Gaganapin ang awards night sa Oktubre sa De La Salle University, Taft Ave., Manila.





TIYAK na ikinatuwa ng mga avid listeners ng Barangay Love Stories (BLS) ni Papa Dudut sa Barangay LS 97.1 ang magandang balita na ngayong September ay mapapanood na rin ito sa telebisyon.


Ang mga kuwentong sa radyo at podcast lamang tumatatak sa isip at puso ng mga nakikinig ay mapapanood na rin sa GMA-7 simula sa September 12, 4 PM, na papalit sa time slot ng Wish Ko Lang (WKL).


Tiyak na mas mapapalapit na sa mas maraming Kapuso ang mga kuwentong puno ng buhay, pag-ibig, at pag-asa dahil ang BLS ay nasa TV na rin.

Paalala nga ni Papa Dudut, “Ano man ang kuwento ng puso mo, may handang makinig sa ‘yo.”


Ayon pa sa multi-awarded radio host-DJ, parang Lovingly Yours, Helen (LYH) ni Ms. Helen Vela ang magiging atake ng BLS sa TV. Kaabang-abang ang first episode kung saan sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino ang gaganap sa kakaibang istorya ng pag-ibig ng kanilang letter sender.


Kuwento pa ng sikat na radio personality tungkol sa kanyang show, “Larawan ng buhay ng isang Pilipino ang programang Barangay Love Stories na nagsimula noong 2009 at hanggang ngayon, 17 years, we are the longest running FM radio drama in Metro Manila, sa aking paniniwala at pagkakaalam.


“Pero kung sa buong Pilipinas na ‘yun, magiging masaya ako.”

Dagdag pa niya, “Ang listeners ko kasi, ‘pag napapakinggan nila si Papa Dudut, nararamdaman at nakikita ang sarili nila sa mga kuwentong isine-share ko sa radio.

“Palagi nilang nasasabi sa sarili nila na ‘Ako ‘yun, eh!’


“‘Yung simplicity of the program, genuine at pang-araw-araw na buhay ng tao, kaya maraming nakaka-relate. ‘Yun siguro ang dahilan kung bakit s’ya number one.”


Handa namang ibahagi ni Papa Dudut ang love story nila ng misis na si Jem.

Sey niya, “Willing akong i-share. Okey sa akin kung galing sa mga taga-PBB (Pinoy Big Brother), puwede si Bianca de Vera dahil kamukha ni Jem. Noong bata pa s’ya, ang tingin ko, si Bianca. Crush ko kasi ‘yun dahil kamukha n’ya. Meaning, una kong naging crush si Jem. Kamukha rin n’ya si Jillian Ward kaya puwede rin.”


Nang matanong din si Papa Dudut kung may kulang pa sa tagumpay na tinatamasa, “Marami pa. Marami pa akong gustong ibigay sa nanay ko. ‘Yung farm, naibigay ko na sa nanay ko, eh. Gusto rin daw n’ya ng resort, sabi ko ‘Sige, papagawa tayong resort.’ 


“Sana mag-number one ‘tong Barangay Love Stories sa TV, kaya sa mga nagbabasa, nakikinig, please support po. Sana 20-30 years din itong TV.”


Kaya suportahan natin ang DJ of All Media sa pag-ere ng kanyang Barangay Love Stories sa GMA tuwing Sabado nang hapon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page