Unang ‘babae’ raw ni Aljur bago si AJ… CINDY, GUSTONG MAKILALA SI KYLIE
- BULGAR
- Nov 1, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 1, 2021

Nilinaw ni Cindy Miranda na wala talaga silang bad blood ni Kylie Padilla. And in fact, gusto nga raw niya itong ma-meet.
“If ever magkasalubong man kami ni Kylie, I really want to meet Kylie kasi naano ako sa kanya, sobrang strong niyang tao. ‘Yun ang pakiramdam ko sa kanya and I hope she’s okay right now,” sabi ni Cindy sa Zoom mediacon ng bagong digital film niyang My Husband, My Lover.
Matatandaang napagbintangan din si Cindy sa hiwalayan nina Kylie at Aljur Abrenica nang gawin nila ang pelikulang Nerisa.
Pero nang mabunyag na si AJ Raval pala ang talagang nililigawan ni Aljur, du’n pa lang naklaro ang pangalan ni Cindy.
“I don’t think merong something sa aming dalawa kasi wala talaga. Ako, natutuwa ako na nakatrabaho ko si Aljur for the first time sa Nerisa. Kung anuman sana ‘yung problema between her and Aljur, sana, maayos na.
“Lahat naman ng bagay, naaayos, and I can’t wait to meet her, kung mapanood man niya ito.
Looking forward ako to meet her and work with her in the future,” sey pa ng dating beauty queen.
Bagama’t naapektuhan siya at ang pamilya niya sa “kabit issue”, inisip na lang daw niya na parte ito ng kanyang pag-aartista.
“Ayoko talagang maapektuhan ng mga ganu’n kasi alam mo naman ‘yung totoo sa sarili mo. But at some point, maaapektuhan ka, even your family, masasaktan talaga lalo na grabe, grabe ‘yung isyu. I think alam naman ng lahat na naging biktima talaga ako sa isyu na ‘yan. But I really don’t mind kasi part na ‘yan ng pag-aartista. Talagang ganu’n, namamali talaga ang mga tao.
“And ‘yun ang negative side ng pag-aartista na pinagbibintangan ka nila sa mga bagay na hindi naman talaga nila alam ‘yung totoong istorya. Sa akin, wala talaga. Siguro, naapektuhan ako because ‘yung family ko, sobrang grabe, ang dami nilang nababasa sa social media. Pero ako sa sarili ko, alam ko naman ‘yung totoo,” pahayag pa ni Cindy.





Comments