Umilag ang medlaya kina Varias, Caruana sa One Karate League
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
by MC @Sports News | May 17, 2026

Photo: Ilan lamang sa naging matitinding bakbakan sa pambato ng bansa na si Pinay Alessandra Jillian Bautista laban sa katunggaling si Emie Lacourt ng France sa kanilang mahigpit na tagisan para sa Karate One Youth League Manila 2026 sa MOA Arena, Pasay City kahapon. (Reymundo Nillama)
Nanatiling mailap ang medalya sa mga pambatong Pinoy nang mabigo sina Ysabella Arwen Varias at Carl Caruana sa kani-kanilang katunggali para sa bronze sa Karate One-Youth League na inihanda ng Philippine Sports Commission sa MOA Arena sa Pasay City.
Parehong nakaabot sa repechage round nang gapiin ni Varias si WKF-1's Mariaa Sereda 1-0 sa first match, na natumba kay Romania's Momanu Alexandra at nabigo sa 0-4 cadet kumite female -61-kilogram division sa bakbakan para sa bronze.
Maliit man pero may puso, nalasap ni Caruana ang 1-9 na kabiguan kay WKF-1's Levon Shaishian na siyang nakakuha ng bronze medal sa junior kumite male +76 class ng torneo. Pero nanatiling sila pa rin ang best performers ng bansa matapos ang 3 araw na bakbakan na sanctioned ng World Karate Federation, inorganisa ng Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. at suportado ng Philippine Olympic Committee.
"Nakaka-overwhelm po na makasali dito sa tournament kasi lahat ng kalaban magagaling," saad ni Varias, na kailangan ng apat na laban mula sa preliminaries bago nakarating sa bronze medal play sa repechage.
"Ysabella could have used her nervousness in fighting against the Romanian but she was stiff and tentative. But this young girl learn from that experience and be better in the long run," saad ni Oliver Manalac, ang karateka's coach.
"Mataas talaga yung kalaban kaya mahirap tamaan. But I am proud that I was able to get here," ani Caruana, 17, kung saan ang kanyang magulang ang kumalap ng panggastos para makalahok dito. "Kaya dini-dedicate ko itong laban ko dito sa mga magulang na nangutang para makarating ako dito sa Manila sa pamamagitan ng barko. I owe this achievement to them," aniya.





Comments