top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Umamin kay Gabby… MARIAN, ‘DI NA MAGPAPABUNTIS KAY DINGDONG

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 23, 2024
3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 23, 2024




Ang My Guardian Alien ang napili ni Marian Rivera na maging comeback project sa GMA-7 prime dahil unang-una ay bago raw ito for her and pangalawa, puwedeng panoorin ng kanyang mga anak na sina Zia and Sixto.


“Ito talaga ‘yung nagustuhan ko na sabi ko, ‘Ay, ang ganda nitong gawin’ kasi bago sa akin at sure akong mapapanood ng mga anak ko,” sey ni Marian sa grand mediacon ng My Guardian Alien.


Paliwanag ng Primetime Queen, “Kasi gusto kong gumawa ng isang serye na kayang panoorin ng mga anak ko at magiging proud ako. Sabi ko nga, ‘eto na ‘yung time siguro na moment ko sa buhay ko na sa tuwing may gagawin ako, gusto kong maging proud ‘yung mga anak ko sa ‘kin.”


Dahil talaga raw nagustuhan niya ang proyekto, sey pa ni Yan, “Parang worth it lahat ang paghihintay ng limang taon para gawin ko ‘to.”


Sa naturang serye ay natuloy na rin finally ang tambalan nila ni Gabby Concepcion na naudlot nang mabuntis si Marian kay Sixto.


Matatandaang sa First Yaya sila dapat magsasama pero nag-beg-off si Marian dahil hindi niya kaya ang lock-in taping lalo pa nga’t one year old pa lang ang bunsong anak nila ni Dingdong Dantes na si Sixto.


“Inaasar nga ako ni Kuya (Gabby) nu’ng nag-taping kami. Sabi niya, ‘Tuloy na ba ‘to?


Mamaya mabuntis ka na naman,’” natatawang kuwento ni Marian.


Patuloy niya, “Sabi ko, ‘Kuya, tuloy na.’”


When asked kung may chance pa ba siyang mabuntis for the 3rd time, natawa na lang ang Kapuso Primetime Queen.


“Kayo talaga, uwi na kayo,” pabiro niyang sey.


Anyway, magsisimula na ngayong April 1 ang My Guardian Alien mula sa direksiyon ni Zig Dulay.


Kasama rin sa serye sina Gabby Eigenmann, Max Collins, Kiray Cellis, Raphael Landicho, Marissa Delgado at marami pang iba.



Never daw um-absent sa Senado kahit artista pa rin…

“GANYAN PO KASIPAG ANG INYONG LINGKOD” - SEN. BONG



Ipinagmamalaki ni Sen. Bong Revilla na kahit napapanood siya sa telebisyon ay hindi naman daw niya pinababayaan ang kanyang trabaho sa Senado.


“Never akong um-absent (sa Senate sessions), perfect attendance po ako, never late, never absent,” proud na sey ni Sen. Bong sa isa sa mga recent live streaming sessions niya sa Facebook.


Dagdag pa niya, “Ganyan po kasipag ang inyong lingkod dahil siyempre, obligasyon ko ‘yun sa tao. Sakripisyo nga lang sa pangangatawan ko, but enjoy ako, eh, happy ako, eh.


Nakakapagpaligaya ka, nakakatulong ka pa.”


Ayon pa sa aktor-pulitiko, for the past months ay talagang halos wala siyang pahinga kaya biro pa niya, “Medyo titirik na ‘yung lolo mo.”


Pero masaya raw siya dahil nagbubunga naman nang maganda ang lahat ng kanyang mga ginagawang trabaho para sa bayan.


He added, “Tulad niyan, napirmahan na ng ating mahal na Pangulo ‘yung no permit, no exam policy.” 


Si Sen. Bong ang principal author ng “Anti-No Permit, No Exam Act” na nag-uutos sa lahat ng private and public schools na payagang kumuha ng examination ang estudyante kahit walang permit or in short, kahit hindi pa bayad ng tuition fee.


Sey ni Sen. Bong, “Salat man ang kanilang bulsa, hindi naman magiging salat ang kanilang kaalaman. Let us continue to advocate for the Filipino youth so that they may reach greater heights. Wala dapat kabataang nangangamba na hindi makapag-exam, o kaya naman ay hindi maka-graduate, dahil lamang sa kakulangan ng salapi. Poverty should never cripple them and shatter their dreams.” 


Pagdidiin pa niya, “Dapat din nating siguruhin na hindi mawawala ang pag-asa na sila ay makapag-aral nang mabuti at walang hadlang. Sa lahat ng pagkakataon, dapat ay buung-buo ang suporta natin sa kanila at sa kanilang edukasyon. Bigyan natin ng bagwis ang pakpak ng kanilang mga pangarap upang mas matayog ang maging lipad ng mga itinuturing nating pag-asa ng bayan.”


Anyway, sa showbiz naman, nag-last taping day na nga si Sen. Bong sa kanyang weekly action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Season 2 at malapit na rin itong magtapos sa ere.


Hindi lang namin sure kung makakapagpahinga na si Sen. Bong ngayong tapos na ang kanyang taping dahil napapabalita ngang ang paggawa ng pelikula naman ang kanyang susunod na pagkakaabalahan.

 



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page