Umagang-umaga, naka-pajama pa, magdyowa magkasama na… DEREK, TATAY NA TATAY NA SA ANAK NI ELLEN
- BULGAR
- Mar 20, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | March 20, 2021

May video sa IG Story ni Ellen Adarna na naka-pajama uli si Derek Ramsay habang gumagawa ng coffee. Nasa tabi nito si Elias na nakatingin habang gumagawa ng two coffees si Derek, tig-isa sila ni Ellen.
Daddy na daddy ni Elias ang datingan ni Derek, na pagkatapos gumawa ng kape, binuhat si Elias, kinarga at dinala sa “Mama” niya (si Ellen). Ang caption ni Ellen sa IG Story ay “My boys.”
Pati kami, na-curious kung kaninong bahay nandu'n sina Derek at Ellen that morning. Obvious namang umaga ‘yun dahil naka-pajama si Derek at gumagawa ng kape (although puwede rin ang coffee any time of the day).
In fairness, ang daming nakaabang kung paano magtatapos ang love story nina Derek at Ellen. Sa kasalan ba gaya ng mga ipinapahiwatig ni Derek?
Basta abangan na lang nating lahat.





Comments