top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ugas, nangakong tatalunin si Pacman

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 19, 2021
2 min read

ni MC / Gerard Arce - @Sports | August 19, 2021



Nangako ang kampeon na si Cuban fighter Yordenis Ugas na ibubuhos ang lahat upang matalo si boxing legend Manny Pacman Pacquiao sa laban nila sa Linggo.


Matatandang nagkita sina Ugas at Pacquiao noong Martes matapos silang dumating sa Las Vegas kung saan gagawin ang kanilang laban. Dumating sa Vegas si Pacquiao kasama ang kanyang asawang si Jinkee at kanyang mga anak. Iba na ang ginawang estilo sa pagdating ni Pacquaio na kung dati ay may engrandeng convoy ito kasama ng costumbuilt na bus mula sa Los Angeles patungo ng Vegas, ngayon ay sakay ang fighting senator sa black Mitsubishi SUV na inabot din ng apat na oras ang biyahe.


Ayon sa ulat, hindi kasi sa paboritong MGM Grand Arena ang venue ng laban ni Pacman kundi sa mas malaking T-Mobile Arena na home venue ng National Hockey League’s Vegas Golden Knights na kayang magkasya ang 20,000 fans. Nakatakda namang magharap sa MGM Grand Hotel & Casino sina Pacquiao at Ugas sa Huwebes para sa final press conference kung saan unang magkakaharap ng personal ang magkaribal sa harap ng media.


Sa Sabado ng umaga ang final weigh-in ng dalawa. Unang dumating sa Vegas si Ugas kung saan nag-post pa ito sa kanyang tik tok habang nasa kotse na mistulang gulat na gulat sa promosyon ng kanilang laban kung saan nakabandera pa ang kanyang malaking pangalan sa sikat na Las Vegas strip kasama ang pangalan ng Pinoy ring legend.

Samantala, inamin ng kampo ni Ugas na maging sila ay dumaan din sa maraming pagbabago pagdating sa mga boksingerong makakatapat kasunod ng pag-atras sa laban ni unified IBF/WBC 147-pound tilist Errol “Truth” Spence Jr. kontra sana kay Pacman. Sinabi ni Ismael Salas, chief trainer ni Ugas, at dating humahawak kina Cuban champions Guillermo Rigondeaux at Yuriorkis Gamboa, na masusi nilang pinag-aralan ang magiging laban nito kay Pacquiao (62-7-2, 39KOs), kahit na nakailang palit na rin sila ng mga plano dahil sa ilang papalit-palit rin na makakalaban.

Gaya sa 42-anyos na Filipino boxing legend, isa rin ang 2008 Beijing Olympics bronze medalist sa mga nakatanggap ng huling abiso sa susunod na laban matapos ma-injured din ang makakalaban nitong si Fabian “TNT” Maidana ng Argentina.“Yordenis has had several fights come up at the last minute. It is a great challenge, but without challenges we have no reason to be [in boxing] and we accepted it. I said, let's move forward. Ugás agreed after the injuries to Spence and [Fabian] Maidana. Sometimes opportunities come like this come along and you have to take advantage of them,” wika ni Salas sa boxingscene.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page