Ugas, nagbanta na 'di kayang pabagsakin
ni MC - @Sports | August 21, 2021

Kumpiyansa si Cuban boxer Yordenis Ugas na hindi siya kayang pabagsakin ni Manny Pacquiao sa kanilang nakatakdang laban sa Linggo.
Sa isang press conference, sinabi ni Ugas na handa na itong sagupain ang eight division world champion para sa WBA welterweight title kahit pa ilang linggo lang ang naging preparasyon nito para sa Pambansang Kamao. “There are no excuses. I have been in this position before but never in a position like this against a legend of the caliber of Manny Pacquiao,” ani Ugas. “But I am certainly ready for the fight and I know that he’s ready.”
“I’m 100% certain he cannot knock me out,” ayon sa reigning WBA welterweight champ. “I’ve done all the work, all the preparation. Over these past six years, I’ve really been hitting my stride and I don’t think Manny Pacquiao can knock me out.”
Naging welterweight champ si Ugas nitong taon matapos alisin ng WBA kay Pacquiao ang titulo dahil sa hindi pagsagupa ng halos dalawang taon.
Naniniwala si Pacquiao na ang laban kontra kay Ugas ay magiging maganda at ang dalawang boxer ay magkakaroon ng tsansa sa ibabaw ng ring na patunayan kung sino sa kanila ang tunay na kampeon. “I think it will be good for us to settle it in the ring on Sunday. It will be a good fight,” ani Pacquiao.
Buo rin ang paniwala ng kampo ni Ugas na wala na ang knockout power ni Pacman base sa tala ng mga huling laban nito. “Looking back it’s been a long time he (Pacquiao) KOed people,” ayon sa coach ni Ugas na si Ismael Salas.
Pinuri naman ni Salas ang hard-hitting Filipino at sinabing isa itong alamat at malaking inspirasyon sa mga papasikat na boksingero.“So much respect,” wika nito patungkol kay Pacquiao.
Pero nilinaw ni Salas na nawawala na ang knockout punch na nagpabagsak sa 39 sa kanyang 62 na biktima. “He’s been dropping people but never KO for a long time,” dagdag pa ng chief trainer ni Ugas.
Base sa record, nakagawa lang si Pacquiao ng isang knockout simula nang talunin nito si Miguel Cotto noong 2009. Maging si Ugas ay naniniwala na nawala na ang lakas ni Pacquiao. “I’m 100 percent certain he (Pacquiao) cannot knock me out. With me hitting my stride I don’t think he can knock me out,” paniniguro ni Ugas.





Comments