top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ugas, makakatikim ng 'knockout' kay Pacman

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 18, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | August 18, 2021



Walang duda sa isipan ni coach Freddie Roach na patutulugin ni Sen. Manny Pacquiao si WBA welterweight “super” champion Yordenis Ugas ng Cuba sa kanilang nakatakdang 12-round title fight sa T-Mobile Arena sa Linggo.


Maging si Buboy Fernandez, na kasama ni Pacquiao sa ensayo ay kumpiyansang makatitikim ng knockout si Ugas sa kamay ng Pambansang Kamao. Halos dalawang buwang nag-ensayo si Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los Angeles sa ilalim ni Roach at Fernandez na laging tagahawak ng mitts.


Ayon sa dalawa, handang-handa na si Pacman sa kahit anong paraan para pabagsakin si Ugas. Aminado si Roach na bihirang umiskor si Pacquiao ng knockout simula ng pumasok ito sa 147-pound ranks pero kontra umano kay Ugas, inaasahan nito ang malupit na pagtatapos sa laban. “Ugas isn’t the typical Cuban fighter who moves a lot,” ani Roach. “He’s flat-footed, open in the middle, easy to hit. He throws a slow jab. He’s heavy upstairs and it makes him slow. I think it’ll be an easy fight but you can never underestimate an opponent. If you compare Ugas with any of Manny’s previous opponents, maybe he’s like David Diaz only Diaz is a southpaw.”

Ibinida ni Roach na si Ugas ay napabagsak na ng left-handers, isang beses noong ito ay nasa amateurs at isa pa sa pros pero bumabangon ito upang tapusin ang laban na nakatayo. “Ugas gave (Shawn) Porter a tough time and lost a split decision which could’ve gone the other way,” ani Roach. “You don’t want to fight Ugas up close. Manny will know how to deal with him.”


Ayon kay Fernandez, si Ugas ay parang si Joshua Clottey ng Ghana at veteran Filipino plodder Bert Cano. Matinding depensa sa katawan ang ginagawa ni Clottey pero hindi ito sumusuntok at sinasalo lang ang lahat ng atake ni Pacquiao sa kanyang naging pagkatalo noong 200 habang si Cano ay isang hard-hitting boxer na nagretiro noong 2007. “Ang suntok ni Cano ay parang swimmer kung bumitaw,” ani Fernandez. “Ganoon si Ugas. At ang katawan ni Ugas parang kay Clottey na steady lang sa gitna, ‘di gumagalaw.” Mapapanood ng 11 a.m. sa Linggo via GMA Network ang 'Pacquiao vs. Ugas: The Legend vs. The Olympian' at ang replay ay 10:30 PM.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page