Search
  • BULGAR

UFC fighter Silva, lalaban sa boksing kontra Chavez, Jr.

ni MC - @Sports | April 6, 2021




Matapos bitiwan ng UFC dahil sa pangit na performance sa kanyang huling tatlong MMA fights, pumirma ngayon si legendary fighter Anderson Silva ng kontrata sa boksing upang labanan si Julio Cesar Chavez Jr.


Sa edad na 35, may aktibong boxing record si Chavez na 52 wins, 34 knockouts, five losses, one draw at isang no contest. Ayon sa ulat, nakatakda ang laban sa June 19 sa Jalisco Stadium sa Guadalajara, Mexico.


Ang arena ay may 55,000 seating capacity pero hindi pa sigurado kung ilan ang papapasuking fans. Sa kabilang banda, si Silva ay 45 years old na.


Marami ang nagsasabi na dapat na itong magretiro, pero may gustong patunayan ang dating middleweight champion, may hawak na record na may pinakamahabang pamamayagpag sa UFC, na marami pa siyang natitirang lakas. “When I look back at my journey, I see that nothing has been in vain.” “I am extremely happy for the opportunity to test my boxing skills with Julio Cesar Chavez Jr. I train continuously, always striving for resilience and to overcome obstacles. Fighting is my everlasting breath,” ani Silva.


Si Silva ang ikalawang UFC fighter na tumawid mula MMA papuntang boksing kasunod ni Conor McGregor na lumaban sa boksing noong 2015 at natalo US unbeaten fighter Floyd Mayweather Jr.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.