UFC fighter, napraning, tinadtad ang 2 kapatid

ni MC - @Sports | January 10, 2021

Nakapiit ngayon si UFC fighter Irwin Rivera matapos maaresto dahil sa tangkang pagpatay sa dalawa nitong kapatid na babae sa West Palm Beach, Florida.
Ayon sa ulat, ang 31-anyos na mixed martial arts fighter ay kasalukuyang nakakulong at hindi pinapayagang magpiyansa matapos atakihin at tangkang todasin sa pamamagitan ng saksak ang dalawa nitong babaeng kapatid.
Sinabi ng Boynton Beach police na natagpuan nila ang dalawang babaeng biktima na nasa edad 22 at 33 na tadtad ng saksak sa kanilang bahay. Sa salaysay pa ng mga pulis, sinabi nitong ang 22-year old na biktima at may tama ng saksak sa likod, batok at braso habang ang 33-anyos na babae ay may saksak sa likod, mukha, braso at kamay.
Isa sa mga biktima ang tumawag sa pulis na nagsabi na nagising na lamang sila habang sinasaksak ni Rivera. Agad naman umanong tumakas si Rivera matapos ang insidente pero nadakip ng mga rumespondeng pulis at umamin sa pangyayari. Sa statement ni Rivera sinabi nitong, "I killed my sisters after being told by a higher power."
Ayon sa UFC, nagsasagawa rin sila ng imbestigasyon sa insidente at nangakong hindi na nila bibigyan ng laban si Rivera. "UFC is aware of the recent incident involving Irwin Rivera and subsequently received information from his management that he has been exhibiting behavior consistent with mental health issues," anang UFC sa statement. "The allegations are extrement troubling and the organization is currenly gathering additional information," dagdag pa ng UFC. "The investigation is ongoing and any potential next steps including disciplinary action or medical attention will be determined upon the conclusion."
Hawak ni Rivera ang pro-record na 10-6 at huli itong sumagupa sa cage kontra kay Andre Ewell sa UFC Fight Night noong Setyembre kung saan natalo ito via split decision.





Comments