U.S. President, todo-tanggol sa Ukraine

ni Mabel Vieron @Overseas News | July 11, 2023

Dumipensa si U.S. President Joe Biden sa plano nitong pagpapadala ng kontrobersyal na cluster bombs sa Ukraine na ikinasawi ng maraming sibilyan.
Batay kay Biden, hindi umano naging madali ang desisyon na ito at natagalan din bago nakumbinsi na magbigay ng nasabing bomba sa Ukraine.
Dagdag pa, ginawa lang umano niya ‘yun dahil nauubusan na ang Ukraine ng ammunition sa patuloy na giyera laban sa Russia. Hindi aniya nila hahayaan na mawalan ng mga gamit ang Ukraine sa kasagsagan ng giyera.





Comments