top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Type na type pa naman daw… OSANG, TODO-HINAYANG NA ‘DI NATIKMAN SI BONGBONG MARCOS

BULGAR
Apr 16, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 16, 2021




Naagaw ang aming atensiyon habang nagba-browse kami sa YouTube ng apat na sexy stars nu’ng late '80s at late '90s na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Maui Taylor at Ara Mina.


Sila ang mga cast ng Pornstars movie na napanood last January 29 via sa platform na VivaMax.

Nainterbyu ang apat ng dalawang hosts na sina Butch Francisco at Anna Pingol sa kanilang Paprika Showbiz Channel.


Bago ang kanilang tsikahan ay nag-usap muna ang apat na dating Pantasya ng Bayan ng mga behind the scenes na kanilang ginawa noon.


Kuwento ni Ara, kinukunan daw siya para sa FHM cover noon at ang ginamit niyang bra ay hindi magkasya dahil malaki nga ang kanyang boobs.


“Actually, maliit kasi ang cup ng bra na ipinagamit sa akin, pero nagawan din ng paraan kasi mahusay ang kanilang photographer."


Pag-amin naman ni Maui, nagpadagdag daw talaga siya ng boobs.


Aniya, “Habang pinapanood ko ang movie ko noon, natatawa talaga ako kasi ang boobs ko, talaga namang parang bao. Hahaha!”


Pelikula naman ni Alma ang kanilang napagdiskitahan.


Anila, “Sobrang nipis ng suot mo, ha, kita na pati kaluluwa.”


Sagot ni Ness, “May anak na ako d'yan… dumating na si Mark (Mark Anthony Fernandez, anak ni Alma kay Rudy Fernandez)."


Si Osang naman ang napagbalingan ng tatlo. Anila, si Osang talaga ang pinakapasaway na sexy star noon.


Depensa niya, sobra na raw kasi siyang napapagod. Wala naman daw siyang magawa dahil kailangan niyang kumita.


Isang pelikula niya ang ipinakita. Tanong ni Ness, "Virgin ka pa ba d'yan?”


Sagot ni Rosanna, “Hindi na,” sabay tawa nang malakas.


Tinanong naman sila ni Butch kung sino ang type nilang mapangasawa o 'di kaya ay makatrabaho noon.


Ani Maui, “Ultimate crush ko si Albert Martinez. Katunayan, ini-request ko pa nga sa Viva noon na kung puwede, maging leading man si Albert. Pero hindi rin nangyari.”


Ang bet naman ni Ara ay isang foreigner actor tulad ni Richard Gere. Pero nu’ng maliit pa lang daw siya ay si Brendan Frazier na ang iniidolo niya.


Ayon naman kay Osang, “Ako, si Bongbong Marcos.


“Napaka-feminine niyang kumilos, alam mo 'yun? Maliit pa lang ako, crush ko na siya. Pero hindi ko siya natikman… hahaha!”


“Ako, halos lahat naman ng mga sikat na artista, nakasama ko na. Siyempre, si Rudy, si Comedy King Dolphy, si FPJ, sila ang talagang mga sikat noon.”


Sumingit si Osang, “Si Joey Marquez?”


Dinedma lang siya ni Ness.


Pero ang gusto raw niyang makatrabaho at crush niya ay si Dindo Fernando.


Singit muli ni Osang, “Ah, oo, ang guwapo niya at mahusay umarte. Gusto ko rin siyang makatrabaho.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page