TV host, tinawag na sinungaling… BB, PINAYUHAN SI ROBIN NA LAYUAN SI OGIE DIAZ
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 9, 2021

Aliw na aliw kami sa sagutan sa social media nina BB Gandanghari at Ogie Diaz. Ito ang isang pagpapatunay how time changed dahil sa video or sa kani-kanilang vlogs na ngayon nagsasagutan ang mga artista at celebrities.
Anyway, nagsimula ang iringan ng dalawa nang sabihin ni BB sa kanyang Instagram video na walang kredibilidad si Ogie.
Sinagot naman ito ni Ogie sa kanyang vlog with Mama Loi at tinawanan lang niya ang mga pinagsasabi ni BB. Aniya ay hindi naman siya galit sa kapatid ni Robin Padilla at naaaliw pa nga raw siya rito.
Sanay na raw siya kay BB at mas magtataka raw siya kung puri-purihin siya nito.
Pero willing naman daw siyang makipag-ayos kay BB anytime dahil walang-wala naman siyang galit dito in the first place.
Sa kanyang latest video ay may bago na namang sagot si BB at sey pa niya sa caption, “You’ll not hear the END of it, Ogie Diaz… you liar you….Why Robin why? Kumpare mo talaga si Ogie Diaz? Please remember…, ‘Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are…’ payong kapatid lang utol…”
Sa video ay binanggit ni BB ang interview ni Ogie kay Robin Padilla last July kung saan nga ay napag-usapan siya ng dalawa. Sa nasabing panayam ay nagpaliwanag si Binoe sa mga tampo ng kapatid sa kanya.
Tila hindi ito nagustuhan ni BB at ang term niya, ‘pinagtsismisan’ daw siya nina Ogie at Binoe.
Dapat daw ay sa kanya sinabi ni Robin ang mga pahayag nito kay Ogie tungkol sa kanya sa nasabing panayam.
“Ako ang kausapin mo, Robin. Whatever you think of me, sa akin mo sabihin. ‘Wag diyan (Ogie), walang kinalaman sa akin ‘yan. Ang dating kasi nu’n, nagtsismisan kayo,” ani BB.
Sa sinabi ni Ogie na willing siyang makipag-ayos kay BB, sagot ng former actor, “Naku, hindi ako makikipagbati d’yan!”
Mensahe pa niya kay Robin, “Mag-isip-isip ka naman sa mga ginagawa mong pakikipag-kumpare!”
For sure ay tatawanan na naman ito ni Ogie.





Comments