TV host, nagdurusa raw sa sakit… GRETCHEN KAY KRIS: KARMA 'YAN!
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 25, 2021

Sabi na nga ba at tiyak na pagmumulan na naman ng mga issues — at tila sinindihan na naman ni Kris Aquino ang nananahimik na kalan — sa kanyang 'tell-all' video, bagama't wala naman siyang mga direktang pangalan na binanggit sa kanyang bagong 'pasabog' (na mas drama serye ang dating sa amin, hehe!)
Ayan nga, pagkatapos basahin ni Kris ang kanyang 'scripted' tell-all (in fairness, in-edit pa raw nang bonggang-bongga para maingatan ang kanyang mga sasabihin, ha?), bukod sa vlogger na si Maharlika na hinimay-himay at sinagot sa kanyang vlog sa YouTube lahat ng mga 'drama' raw ni Kris sa kanyang bagong video, hindi rin nakapagtimpi ang socialite-actress na si Gretchen Barretto at sa kanyang latest Instagram Story ay 'tumalak' din ito dahil sa asar sa mga naging pahayag ni Kris.
Panimula pa lang ni Greta, nasa fighting mood na ito at sabi kay Kris Aquino, "Kris, kung talagang mahal mo ang Pilipino at ang buong Pilipinas, sana, pinrotektahan mo ang mamamayang Pilipino 'coz at that time na your brother Abnoy (Hala siya! Lakas ng loob para tawagin ng ganyan si dating Pangulong Noynoy Aquino, devah?) was in power, he was the president of the Phils., 'di ba dapat, kung kailangang magbayad ni Alice Eduardo ng kanyang tax, tayong mga Pilipino, we will reap the benefits."
Ang Alice Eduardo na tinutukoy ni Gretchen ay isang businesswoman na nagkaproblema raw sa kanyang mga taxes at tinulungan ni Kris nu'ng panahong nakaupo pa ang kanyang Kuya Noy.
"Tinulungan ni Kris si Alice Eduardo na bumaba ang tax niya. Alam namin 'yun kasi ipinagkakalat din ni Alice Eduardo at ng kanyang mga kapatid," matapang na sey ni Greta.
Dagdag pa ni Gretchen, kapalit ng pagtulong ni Kris na mapababa ang "hundreds of millions or billions" na utang sa BIR ni Alice Eduardo ay binibigyan ang TV host ng luxury bags, shoes at kung anu-ano pa ng naturang negosyante.
Nilinaw din ni Gretchen na kung sumasawsaw man siya ngayon sa 'pasabog' ni Kris ay dahil may pinaghuhugutan daw siya bilang Pinoy na taxpayer din. Unfair daw kasi na kesa pinakikinabangan ng mga Pilipino ang malaking tax na dapat ibinayad ng tinutukoy niyang tax evader ay si Kris lang ang nagpakasasa sa pagtanggap ng mga mamahaling regalo.
Sayang nga naman 'yung dapat na ibinayad sa tax na pondo na sana ng bayan ngayon at magagamit sa paglaban sa COVID-19, devah?
Kaya sabi pa ng inis na si Greta sa mga sinabi ni Kris, "Sabi ng Drama Queen na si Kris Aquino, nadamay siya. Hindi po siya nadamay, idinadamay niya ang sarili niya. Kung sinasabi n'yong sawsawera ako, mas sawsawera po siya!
"Hindi po ako nagsasawsaw sa suka kung 'di niya isinawsaw ang kanyang buhay sa aking buhay."
Alam daw ni Gretchen ang pinagdaraanan ngayong sakit ni Kris at ayaw naman daw niyang maging masaya sa pagdurusa nito.
Pero katwiran niya, "We don’t like that, we don’t gloat when somebody is suffering, because that's karma, but right now, that is what happens."
Awww! May part 2 pa kaya ang 'scripted tell-all' ni Kris and this time ay sagot naman niya sa mga direktang bumabanat sa kanya tulad nina Maharlika at Gretchen Barretto ang kanyang magiging depensa?
Abang-abang na lang, mga mars!





Comments