Turista, maaaring mabigyan ng VAT refund
- BULGAR

- Sep 30
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 30, 2025

Dear Chief Acosta,
Magandang balita na maraming turista ang nagnanais bumisita sa ating bansa. Maliban sa paglago ng ating turismo ay nakikinabang din ang ating mga tindahan sa dagdag na kita. Kung kaya nais ko sanang malaman kung maaari bang makakuha ng tax refund ang mga turista kung sila ay bumibili ng mga gamit sa ating bansa? Salamat sa iyong magiging tugon.
-- Alyssa
Dear Alyssa,
Matatagpuan ang kasagutan sa iyong katanungan sa mga probisyon ng Republic Act (R.A.) No. 12079, na nag-amyenda sa National Internal Revenue Code of 1997 sa pamamagitan ng pagdagdag ng panibagong seksyon na nagsasaad na:
“Section 112-A. VAT Refund for Tourists. –
A tourist shall be eligible for a VAT refund on locally purchased goods if the following requisites are present:
The goods are purchased in person by the tourist in duly accredited stores;
Such goods are taken out of the Philippines by the tourist within sixty (60) days from the date of purchase; and
The value of goods purchased per transaction is equivalent to at least Three thousand pesos (P3,000.00): Provided, That such threshold shall be subject to review and adjustment every three (3) years by the Secretary of Finance, upon recommendation of the Commissioner of Internal Revenue, taking into consideration the Consumer Price Index (CPI) as published by the Philippine Statistics Authority (PSA).
The Department of Finance shall engage the services of one (1) or more reputable, globally recognized, and experienced VAT refund operators to provide end-to-end solutions to the government for the establishment and operation of a VAT refund system for tourists.
The refund under this section may be made either electronically or in cash.
The amount necessary for the VAT refund system for tourists under this Code shall be charged against the special account in the General Fund as provided under Section 106 of this Code.
For purposes of this section, the term ‘tourist’ means a non-resident foreign passport holder.”
Sa batas na ito, maaaring mabigyan ang isang turista ng Value-Added Tax (VAT) refund para sa mga bagay na binili sa ating bansa. May mga panuntunan na dapat sundin. Nakasulat sa nabanggit na probisyon ng batas na ang bagay ay binili ng personal ng turista sa nararapat na akreditadong mga tindahan sa ating bansa. Dagdag dito, ang naturang bagay ay dapat dalhin ng turista palabas ng Pilipinas sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng pagbili. Panghuli, ang halaga ng nasabing bagay dapat na hindi bababa sa P3,000.00 sa bawat transaksyon. Ang huling kondisyon ay maaaring baguhin kada tatlong taon base sa kasalukuyang consumer price index na inilalabas ng Philippine Statistics Authority. Ang tax refund ay maaaring ibigay electronically o in cash.
Para rin sa iyong kaalaman, nakasaad sa Seksyon 5 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng R.A. No. 12079 na ang VAT refund ay hindi angkop o magagamit sa mga sumusunod:
“Section 5. Eligible Goods. - The VAT refund shall only apply to retail and tangible goods, such as clothing, apparel, electronics, gadgets, jewelry, accessories, souvenirs, food or non-food consumables, and other goods intended for personal use.
The following are not qualified for the VAT refund under this IRR:
Goods in commercial quantity;
Goods to be consumed fully or partially in the Philippines;
Goods purchased from e-marketplaces and other digital or online stores; and
Services, such as transportation, accommodation, or other hospitality services.”
Kung kaya, ang VAT refund ay maaari lamang makuha ng isang turista kung ang mga panuntunan ay masusunod at ang nabili na gamit ay sakop sa Seksyon 5 ng IRR ng R.A. No. 12079.
Sa iyong nabanggit na sitwasyon, kung ang isang turista ay personal na bumili ng gamit sa akreditadong tindahan sa ating bansa, ang naturang bagay ay dadalhin niya palabas ng Pilipinas sa loob ng 60 araw mula sa petsa ng pagbili, at ang presyo nito sa bawat transaksyon ay hindi bababa sa nakasaad sa batas o naaakmang halaga, maaari siyang makakuha ng VAT refund. Ito ay maaaring mas lalong makaengganyo sa mga turista na bisitahin ang ating bansa at mapalago pa nang husto ang ating ekonomiya at turismo.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.








Comments