Tumulong kasama ng BF… NADINE, ‘DI LANG TODO-PASEKSI, MAY SILBI SA SIARGAO
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 27 , 2021

Nagkaroon ng silbi ang pamamalagi ni Nadine Lustre sa isla ng Siargao. Dahil sa paghagupit ng bagyong Odette kung saan nasalanta nang husto ang isla, isa si Nadine sa mga unang tumulong sa mga residente roon.
Hindi lang ang kanyang sexy outfit sa beach ang napapansin ngayon ng mga taga-Siargao. Nakita rin nila kung paano nagmalasakit ang aktres para tulungan ang mga residente.
Dahil walang kuryente at marami ang nangangailangan na makapag-charge ng kanilang mga gadgets, naglagay ng mga solar panel si Nadine at ang BF niyang si Christophe para sa charging station na magagamit ng lahat.
Maraming nag-like sa ginawang ito ni Nadine nang i-post niya ang charging station na itinayo nila ng kanyang BF. Kailangang-kailangan ang communication facilities sa Siargao matapos ang pananalanta ng bagyong Odette.
Sa sandaling panahon ng pamamalagi ni Nadine sa Siargao ay napamahal na sa kanya ang isla. Kaya, labis niyang ikinalungkot ang nangyari sa Siargao.
Ang dating mala-paraisong ganda nito ay winasak ng bagyo at matatagalan pa bago ito maibalik sa dati.





Comments