top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tumatakbong partylist rep. KARLA, TODO-BILIB NA KAYANG MANALO KAHIT WALA SI DANIEL

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 16, 2021





Inamin ni Karla Estrada na na-stress ang anak niyang si Daniel Padilla dahil pareho na ngayong nasa pulitika ang kanyang mga magulang.


Si Karla ay tumatakbong 3rd nominee sa Tingog Party List habang si Rommel Padilla naman ay tumatakbo ring congressman ng 1st District ng Nueva Ecija ngayong 2022 elections.


“Na-stress ‘yung anak ko,” natatawang pag-amin ni Karla sa kanyang panayam sa vlog ni Ogie Diaz. “Na-stress siya, 'di niya kinaya.”


Paliwanag ni Karla, “Hindi kasi, 'di ba, parang si Daniel, hangga’t maaari, umiiwas sa usaping pulitika. Tapos, biglang hindi man lang kapatid, talagang parehong magulang niya ang kinailangan at binigyan ng pagkakataon.


“Kasi, hindi ko naman puwedeng sabihin na ‘Ay, tatakbo ako dahil gusto ko.’ Hindi. Lahat ito ay merong pangangailangan mula sa tao na hindi ko mahindian, 'di ba?


“So, ganu’n din ang tatay niya.”


Although talagang nasa ugat naman daw ng mga Padilla ang pulitika noon pa.


When asked kung kinausap ba sila ni Daniel tungkol dito, ayon kay Karla, kahit hindi masalita ang kanyang anak, alam naman daw niyang 100% ang support nito sa magulang.


“Wala siyang sinasabi ngayon pero hindi rin siya kumokontra sa amin. Actually, ako 'pag nagkukuwento, happy siya. Basta ang importante, masaya raw ako. Ganu’n din sa ama niya.


“Walang problema si DJ, pero alam ko ‘yung nasa loob niya na parang ‘Hindi ko kaya ‘tong mga magulang ko.’ ‘Yung ganu’n. Gusto niyang um-acting ng ganu’n (sabay-tawa).


“Pero mabait kasi si DJ. Sa huli’t huli, iisa lang ang nanay niya, iisa lang ang tatay niya. Eh, saan pa ba ang suporta? Eh, di sa amin.


“Pero kung ako ang masusunod, okay naman ako na kahit hindi siya sa shadow ko dito sa pulitika or kahit wala siya sa tabi ko sa pulitikang ito. Kasi talagang paniwala naman ako na maniwala lang sa akin ‘yung mga tao na marunong akong tumulong, okay na ako ru’n.


“Ngayon, 'pag nag-decide si DJ na ‘O, Ma, samahan kita diyan sa Tingog,’ desisyon niya ’yun bilang anak,” ani Karla.


Tinanong din ni Ogie ang nanay ni Daniel kung bakit nito naisipang sumama sa partylist na ang congresswoman nito ay bumoto against the renewal of ABS-CBN franchise.


Matatandaan nga kasing katakut-takot na pamba-bash ang inabot ni Karla mula sa mga KathNiel fans at sa mga ABS-CBN loyalists dahil dito.


“Well, unang-una sa lahat, mayroon akong pagpapaalam sa aking mga boss sa ABS-CBN.


Mayroong pag-uusap at ako’y nagpaliwanag. Ngayon, pinayagan ako at sinuportahan. So, du’n na lang muna tayo mag-umpisa.


“At kung umabot ako sa dulo at ako’y makaupo, sisiguraduhin kong maging bukas ang Tingog Partylist sa usapin ng prangkisa ulit ng ABS-CBN at ako ang mag-uumpisa nu’n,” paliwanag ni Karla.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page