Tuloy ang buhay… XIAN, DEDMA SA GALIT NG MGA FANS NI KIM
ni Nitz Miralles @Bida | January 15, 2024

Unbothered si Xian Lim na may isyu sa pagtatapat ng series nila ng ex niyang si Kim Chiu simula sa January 22, 2024. Mauuna muna ang premiere ng Love. Die. Repeat. nina Xian at Jennylyn Mercado this Monday at sa Jan. 22, makakatapat na nila ang Linlang The Teleserye Version nina Kim at Paulo Avelino.
May mga galit na KimXi fans kay Xian na ang sabi, ibo-boycott nila ang LDR. Sagot naman ng neutral KimXi fans, panonoorin at susubaybayan nila ang series nina Xian at Jennylyn. Ganu’n din daw ang gagawin nila sa Linlang, panonoorin din nila at kung paano nila ito gagawin dahil sabay nga ang airing, bahala na raw sila.
Alam siguro ni Xian na may mga galit sa kanyang fans nila ni Kim, pero tuloy pa rin naman ang buhay niya at tuloy siya sa pagtatrabaho.
Ginagawa nito ngayon ang pelikulang Playtime with Sanya Lopez, Faye Lorenzo and Coleen Garcia na collab ng Viva Films at GMA Pictures.
Tuluy-tuloy din ang pagpe-paint ni Xian at kahapon, nagbukas ang painting exhibit niyang ‘Daffodils & Dandelions Solo Art Exhibit' sa Art Cube Gallery sa Makati. Tatagal hanggang February 3, 2024 ang painting exhibit na ang gaganda. Sayang at hindi ma-post ni Xian sa kanyang Instagram ang paintings niya. Wala rin namang makapag-comment dahil matagal nang naka-off ang comment box ng IG niya.





Comments