top of page
BIDA - DENNIS, NIRESBAKAN NG NETIZEN, ‘DI RAW MABUTING TAO DAHIL ENDORSER NG SUGAL_FB Denn

May pasabog sa December… KIM AT PAULO, NU’NG MARCH PA RAW NAGPAKASAL SA USA

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 29, 2026



TEKA NGA - KIM AT PAULO, NU’NG MARCH PA RAW NAGPAKASAL SA USA_FB Circulated

Photo: File / FB Circulated



Ayon sa talent manager na si Ogie Diaz, may malaking balita na aaminin sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa December. Kaya ngayon pa lang ay nag-aabang na ang kanilang mga diehard fans.


Tanong ng mga netizens, bakit sa December pa nila ito aaminin? May kinalaman ba ito sa nababalitang nagpakasal sila sa US noong Marso?


Sabi nga ni Ogie, very reliable ang kanyang source tungkol sa gagawing pag-amin nina Kim at Paulo sa status ng kanilang relasyon.


Well, tatanggapin kaya ng mga fans ang kanilang big news? Makaaapekto kaya ito sa career ng Chinita Princess?





Parang tourist spot lang… BAHAY NI ALDEN, LIBRENG SILIPIN NG MGA BATA SA HALLOWEEN



ANG bongga ng ginawa ni Alden Richards bilang bahagi ng paparating na All Souls’ Day. 


Nang malaman niyang open ang kanilang village sa Makati para sa mga batang gustong makakita ng magagandang Halloween decors, nilagyan niya rin ang harapan ng kanyang bahay para sa mga batang mamamasyal.


Parang theme park ang harapan ng bahay ni Alden, kaya tiyak na matutuwa ang mga bata. 


Likas na kid at heart ang aktor at alam niya kung ano ang nagpapasaya sa mga bata. Tuwang-tuwa rin siya noong bata pa siya kapag nakakakita ng mga dekorasyon tuwing Undas.


For sure, hindi rin makakalimutan ni Alden na dalawin ang puntod ng yumao niyang ina. Kapag may mga blessings na dumarating sa kanyang buhay, ang kanyang ina ang lagi niyang naaalala.





ISANG malaking karangalan para kay Bulacan Gov. Daniel Fernando ang tumanggap ng FPJ Memorial Award for Excellence na ipinagkaloob ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS).


Si Fernando Poe, Jr. (SLN) ang itinuturing na icon ng Philippine cinema. Iniidolo si Da King ng lahat, maging ng kanyang mga kapwa artista. Hindi lang siya isang respetadong aktor kundi isa rin sa mga haligi ng movie industry na nag-iwan ng legacy sa showbiz.

Maraming natulungan si FPJ na mga artista at maliliit na movie workers, kaya patuloy siyang minamahal ng lahat.


Si Daniel naman ay pinalad na mahalal bilang gobernador ng Bulacan. Pero tumatanggap pa rin siya ng movie projects kapag may magandang istorya at kaya ng kanyang schedule.


Prayoridad pa rin niya ang pagiging public servant. Ganunpaman, hindi siya nakakalimot na tumulong sa mga kasamahang artistang lumalapit sa kanya.

Tulad ni FPJ, malapit sa puso ni Gov. Daniel ang maliliit na manggagawa sa showbiz, kaya karapat-dapat siya sa karangalang Fernando Poe, Jr. Memorial Award.





Mag-asawang yayamanin! 

MEGAN AT MIKAEL, TODO-ENJOY SA BAKASYON, OKS LANG KAHIT ‘DI MAG-WORK



MUKHANG nalibang nang husto sina Megan Young at Mikael Daez sa pag-aalaga sa kanilang baby na si Leon, kaya pansamantalang naisantabi ang kanilang career.


Naisasama nila ang anak sa kanilang pagbabakasyon abroad. Pareho nilang ine-enjoy ang kanilang ‘leave’ sa showbiz, kaya hindi sila nag-aalala kahit wala silang TV show ngayon.


Marami tuloy ang nagtatanong kung may naipon ba sina Megan at Mikael para ma-afford nilang huwag tumanggap ng project sa mahigit isang taon nilang pamamahinga sa showbiz.


Well, it’s good na pareho ang mindset ng mag-asawang Megan at Mikael Daez. Mas pinili nila ang stress-free na buhay at ang paggawa ng mga bagay na magpapasaya sa kanila.


Mahilig mag-travel ang mag-asawa, at anytime ay puwede nilang balikan ang kanilang showbiz career.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page