EB! host, nilait ng basher na mukhang tiyanak… HIRIT NI KRIS NA MAGANDANG GIRL ANG GUSTONG MAGING MISIS NI BIMBY, PATAMA RAW KAY RYZZA

ni Julie Bonifacio @Winner | October 30, 2026

Photo: FB Circulated
Binibigyan ng ibang kahulugan ang pahayag ni Kris Aquino tungkol sa gusto niyang maging partner in life ng anak niyang si Bimby Aquino-Yap. Ikinabit agad dito ang pangalan ni Ryzza Mae Dizon.
Kumakalat online ang art card na naka-post sa X (dating Twitter) na ganito ang nakasulat: “KAWAWA naman si RYZZA. Ni-reject agad ng mother-in-law.”
Naisip marahil ng mga netizens na patama kay Ryzza ang mga sinabi ni Kris dahil nauna nang ipinartner ang dating child star kay Bimby.
Caption sa X post, “Hayaan mo, Ryzza. You will be more blessed (heart & pray emoji).”
Sa comment section ay marami ang nagtanggol kay Kris.
“Ms. Kris didn’t say anything about who, so don’t judge right away—it’s just common in the Philippines to be full of yourself (laughing emoji).”
“Sensya na, ha, parang may mali sa post mo. Napanood mo ba ‘yung binisita ni Kris sina Ryzza at Bimby sa Eat… Bulaga! (EB!) at sinabihan ni Kris si Ryzza na, ‘Ang ganda mo ngayon, my future daughter-in-law?’ At sinabi n’ya na ‘Ryzza Mae Dizon-Cojuangco Aquino? Check mo…”
“Ginagawan ng issue ng mga tao sa Facebook (FB). Tapos si Kris na naman ang masama. Bimby and Ryzza are friends.”
“As far as I know, ang babaeng nililigawan lang ang puwedeng mag-accept or reject sa manliligaw.”
“Isipin na lang n’ya, nakatulong s’ya kay Bimbs.”
Sey naman ng isang basher, “Hahaha! Kapangit naman kasi, mukhang tiyanak. Kahit sino naman, ayaw magkaroon ng daughter-in-law na ganyan ang hitsura. Mag-foreigner na lang s’ya.”
Grabe siya kay Ryzza, ha?!
ILALABAS na ni Atty. Persida Rueda-Acosta, Public Attorney’s Office (PAO) chief, ang English version ng kanyang bagong libro na Laws of Life (Life Lessons from the People’s Lawyer) ngayong Disyembre.
Noong Mayo, naunang inilabas sa publiko ang Filipino version nito. Ang libro ay koleksiyon ng mga pang-araw-araw na paalala at mga salita ng karunungan na nagbibigay ng gabay.
“Ito ay libro tungkol sa kabataan, katandaan, young couples, at mag-partners para maging mapayapa at maligaya ang kanilang pagsasama,” pahayag ni Atty. Acosta.
Sinabi rin niya na ang mga quotes na nakolekta sa aklat ay binibigkas nang simple at taos-puso. Ang ilan ay ibinahagi sa panahon ng kanyang mga programang legal na impormasyon, at ang iba ay ipinahayag sa isang personal na tala sa mga kasamahan, kliyente, at mga naghahanap ng kanyang payo.
Ang mga ito ay hindi mga dakilang deklarasyon, ngunit banayad na mga paalala. Repleksiyon ito ng mga batas ng buhay at mga halaga ng pakikiramay, pagpapakumbaba, tiyaga, at pananampalataya.
Isang 4th placer sa 1989 Bar Examinations, inilaan ni Atty. Acosta ang halos apat na dekada ng kanyang buhay sa serbisyo publiko.
Tungkol sa katarungan, moralidad, at etika, ibinahagi ni Acosta sa aklat: “Naniniwala ang masasama na nagtagumpay sila, ngunit darating ang araw na ang lahat ay hahanapin ang wakas.”
Kaya sa Disyembre, huwag kalimutang mag-secure agad ng kopya ng libro ni Atty. Acosta. Maganda rin itong panregalo sa Pasko, ha?





Comments