top of page

Tulad ni Derek na dugyot daw… GERALD, INAYAWAN NI IVANA DAHIL MADUNGIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 1, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 1, 2021


ree


Spotted sina Ivana Alawi at Paulo Avelino na magkasama sa BGC, Taguig recently. Maraming nakapansin na may chemistry ang dalawa kaya may nag-suggest na pagsamahin-pagtambalin sila sa isang pelikula.


Agree naman agad ang mga fans nina Ivana at Paulo dahil match na match daw na tandem ang dalawa at nagko-complement ang kanilang personalidad.


Ang tanong, sino sa mga aktor na nagpapantasya kay Ivana ang una niyang makakatrabaho sa pelikula?


Anyway, tiyak namin na magri-react si Derek Ramsay sa comment ng sexy at flawless star na hindi siya type ni Ivana dahil mukhang marumi o dugyot ang aktor.


“Parang baboy” pa nga ang exact words na description ni Ivana sa ex-BF ni Andrea Torres.


Wow, ha?!


Hindi kaya ma-challenge si Derek sa nakakainsultong comment sa kanya ni Ivana? Hindi pa naman sanay si Derek na nire-reject at inaayawan ng mga babae dahil siya ang hinahabol ng mga chicks.


Maging si Gerald Anderson ay hindi rin type jowain ni Ivana. Tulad kasi ni Derek ay mukha ring madusing ang rumored BF ni Julia Barretto dahil sa balbas nito.


Ibang-iba nga ang taste ni Ivana sa lalaking type niyang jowain. Bukod kay Paulo, sina Alden Richards, Sam Milby, Marco Gumabao at Coco Martin ang kanyang pangarap maging BF.


So, laglag sa standard ni Ivana sina Derek at Gerald. Any violent reaction mula sa mga fans ng dalawang aktor?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page