Tulad daw ng ginawa sa mga ex-BF niya… HEART, MUNTIK NANG HIWALAYAN SI CHIZ
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 16, 2021

Muntik na palang hiwalayan ni Heart Evangelista ang mister na si Chiz Escudero dahil sa kanyang parents.
Open naman sa industriya na against noon ang parents ni Heart na magpakasal siya sa pulitikong si Chiz. Pero, pinatunayan ng Sorsogon governor na mahal niya ang Kapuso actress hanggang napapayag na rin nito ang pamilya ng aktres.
Ayon sa isang panayam kay Heart, masyado na raw close ang kanyang ama kay Chiz, kaya nga sa Sorsogon na rin daw ito nag-stay.
Sa bagong vlog ni Heart sa kanyang YouTube Channel, natanong niya ang mister kung may time raw bang nag-second thought itong i-give-up siya dahil against ang kanyang mga magulang sa kanilang relasyon.
Ayon naman sa pulitiko, never siyang nag-isip na mag-give-up. Pero si Heart, umaming muntik na siyang makipag-break kay Chiz dahil nga ayaw ng parents niya rito.
Kapag disagree raw kasi ang parents niya sa mga nagiging BF niya ay agad siyang nakikipaghiwalay.
“I was supposed to break up with him because I always do that with my ex-boyfriends whenever things were getting really bad with my parents. Because I felt like I was a curse because I knew what was going to happen next. But yeah, I did,” pagkukumpisal ni Heart.
Pero, walang pinagsisihan ang aktres sa napili niyang lalaki na makakasama niya habambuhay.
Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanilang 6th wedding anniversary sina Mr. and Mrs. Escudero sa Balesin Island kung saan doon din sila ikinasal.





Comments