top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

TUESDAY, HANDANG MAKIPAG-AWAY PARA KAY MICHAEL V.

Writer: BULGAR
BULGAR
May 17, 2023
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 17, 2023



Kinaaliwan ang post ni Tuesday Vargas ng photo nila ni Michael V. na makikitang nasa likod niya si Bitoy at tila takot na takot habang nagtatago.


Ang caption ni Tuesday sa post: "Kuya, tabi. Ako na. #DuduruginKita," na ang ibig sabihin, siya na ang haharap sa influencer na umaaway ngayon kay Bitoy.


Naka-set sa "limited comments" ang comment section ng Instagram ni Tuesday, kaya sorry na lang sa influencer na si Rendon Labador dahil hindi siya makakapag-comment sa naturang post.


Matatandaang isa si Tuesday sa mga unang dumepensa kay Bitoy nang sabihan siyang "Laos na!" ng influencer dahil lang sa comment ni Bitoy na "The first thing any 'content creator' should understand is the meaning of the word 'CONTENT.'"


Kahit na walang binanggit na pangalan si Bitoy, agad na nag-react si Rendon at sinabihan ngang laos na si Bitoy at silang mga influencers na raw ang new media at ang nagko-control dito. Hindi na rin daw kasi uso ang mainstream media.


Ipinagtanggol ni Tuesday si Bitoy at sinabing "Director, artista, writer si Michael V. at respetado siya sa industriya. Hindi siya nakikipagkumpitensiya sa iyo."


May dagdag pa si Tuesday, "Hindi ko masikmura na binastos ng taong ito ang iginagalang kong artista. Maayos naman ang kanyang sinabi. Nag-cause lang ng animosity between people, akala yata niya ay cool 'yun."


May mga sumunod pang nagtanggol kay Bitoy at ang sagot sa kanila ni Rendon, nagkakampihan daw ang mga dumepensa sa komedyante.


Anyway, hintayin natin ang magiging reaction ng influencer sa bagong post na ito ni Tuesday na handa naman silang harapin.


At si Bitoy, busy sa pagpo-promote ng most awaited mid-year Wedding Fair of 2023 na Bridal Fair sa Megatrade Hall ng SM Megamall.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page