top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

Truth Commission: ICC ruling nagbigay-daan para sumalang na si Duterte sa paglilitis

Writer: BULGAR
BULGAR
20 minutes ago
1 min read

by Info @Brand Zone | October 12, 2026



Truth Commission: ICC ruling nagbigay-daan para sumalang na si Duterte sa paglilitis

ICC



Wala nang hadlang pa sa paglilitis ng kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).


Pinuri ng Truth Commission ang desisyon ng ICC at sinabing tuloy na ang matagal nang inaasam ng mga biktima ng drug war ni Duterte na trial ng kaso sa The Hague.


“Inaalis ng korte ang huling malaking hadlang sa paglilitis na ilang taon nang hinihintay ng mga pamilya ng mga napatay sa panahon ng ‘drug war’ ni Rodrigo Duterte,” pahayag ni Carlos Conde, komisyoner at tagapagsalita ng Truth Commission.


Noong Oktubre 8, inilabas ng Trial Chamber III ng ICC ang desisyon na may petsang Setyembre 28, na nagsasaad na si Duterte ay may kakayahang sumalang sa paglilitis na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 30.


Ang Truth Commission, na pinamumunuan ni dating ICC Judge Raul C. Pangalangan, ay binuo ng mga lider ng Simbahan at civil society noong Mayo. Layon nito na idokumento ang mga paglabag sa karapatang pantao sa drug war ni Duterte, kilalanin ang mga biktima at tulungan sa paghihilom, isulong ang pananagutan at repormang institusyonal, palakasin ang karapatang pantao at ang rule of law, at isulong ang kapayapaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page