Konstitusyon, binabaluktot sa impeachment trial — Padilla... Baka hindi na kami um-attend

by BRT @News | October 12, 2026

Photo: Senate of the Philippines
Nagbabala si Sen. Robinhood "Robin" Padilla na posibleng hindi na dumalo ang kanilang grupo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung magpapatuloy umano ang pagbabalewala ng mayorya sa Konstitusyon.
Sa isang panayam kahapon, Oktubre 11, iginiit ni Padilla ang kahalagahan ng pagsunod sa Saligang Batas sa proseso ng impeachment.
“Kapag hindi po tumigil ang pagbabaluktot sa batas, talagang baka dumating na sa puntong hindi na kami um-attend," ani Padilla.
Nilinaw naman ng senador na wala pang napagkasunduang pagliban sa paglilitis. Samantala, ayaw rin niyang tawaging minority bloc ang kanilang grupo at sa halip ay mas piniling kilalanin bilang mga maka-Saligang Batas.





Comments