top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

Mga demonyo sa socmed, lagot kay Robin

Writer: BULGAR
BULGAR
22 minutes ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | October 12, 2026



Mga demonyo sa socmed, lagot kay Robin

Photo: File



Iginiit ni Senador Robinhood Padilla ang agarang pagpapatupad ng panukalang layuning limitahan ang paggamit ng social media ng mga menor-de-edad, bunsod ng mga problemang iniuugnay sa online interactions, kabilang ang bullying, mga kaso ng pagpapakamatay, at pamamaril sa mga paaralan.


Ayon sa senador, may mga “demonyo” sa social media na kailangang iligpit at may mga platform na maihahalintulad sa adiksyon. 


Nauna nang inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2424, o ang panukalang Safe Media Access and Responsible Technology for Kids in Digital Spaces (SMART KIDS) Act.


Sa ilalim ng panukala, layong pagbawalan ang mga kabataang edad 17 pababa na gumawa ng sariling social media accounts, habang ang mga umiiral nang account ay kailangang i-disable o suspendihin. 


Layunin din nitong limitahan ang pag-access ng mga bata sa social media at iba pang digital application at website na itinuturing na mapanganib para sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page