Trump kay BBM: Your family is amazing

ni Mylene Alfonso @News | November 19, 2026

Photo: PBBM, FL Liza Marcos at Pres. Donald Trump - PCO
Puno ng papuri si US President Donald Trump kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa anak nitong si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, na tinawag pa niyang “a beautiful young man” sa kanyang talumpati sa hapunan kasama ang mga lider ng ASEAN nitong Martes ng gabi, Nobyembre 17, 2026.
Sa kanyang mensahe kasunod ng ASEAN-US Summit sa Maynila, pinasalamatan ni Trump si Marcos sa mainit na pagtanggap sa kanya at pinuri ang Pilipinas sa matagumpay na pagho-host ng regional summit.
Hindi rin nakalimutan ng US President na banggitin ang pamilya ng Pangulo, partikular ang mga magulang nitong sina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Marcos.
“I believe in genetics and they did a good job. You have very good genetics,” ani Trump habang pinupuri ang angkan ni Marcos.
Lalo pang naging kapansin-pansin ang kanyang pahayag nang mabanggit si Sandro Marcos na nakadaupang-palad niya sa kanyang pagdating sa Maynila.
“Your family is amazing. You’re amazing. And I just met your son. He’s a beautiful young man. He’s got a great future,” pahayag ni Trump.





Comments