top of page

Tripleng ingat ngayong Undas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 1 min read

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | October 29, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Mga beshie, habang ginugunita natin ang mga namayapang mahal sa buhay ngayong Undas, tandaan: mga patay ang bibisitahin, hindi sila susundan anytime soon -- MAG-INGAT!


Alam ko, sabik tayong umuwi sa probinsya — pero bago iwan ang bahay, siguraduhing hindi na rin “magpaparamdam” ang kuryente’t gas tank. Triple-check muna bago bumiyahe, besh! Ayaw nating pag-uwi, abo na lang ang bahay.


Sa sementeryo naman, chill lang. Hindi ito concert ni Taylor Swift, kaya ‘wag magtulakan at mag-unahan. Kalma lang tayo at ‘wag magpaulan ng init ng ulo.


Magdala ng payong, tubig, pamaypay — at higit sa lahat, sandamakmak na pasensya. 


Pero seryoso, habang dinadalaw natin ang mga pumanaw, huwag nating kalimutan ang mga buhay na hirap sa gastos kapag may naiiwan.


Kaya nga meron tayong batas para sa Libreng Libing, para hindi na kailangang mamroblema sa abuloy o magbenta ng kalabaw para lang may kabaong.


Sakop ng libreng serbisyo ang kabaong, burol, cremation o tradisyunal na libing, pati na rin ang transportasyon ng labi.


Sa halip na ilaan sa lamay, gamitin niyo na lang ‘yang pera pambiling kandila, bulaklak, o panghanda sa susunod na Undas o anumang emergency.


Ngayong Undas, alalahanin ang patay — pahalagahan ang buhay. At kung sakali mang naalangan na ng tuluyan, ‘wag kang mag-alala, ipalilibing kita -- LIBRE!


Siyempre, ipagdasal din natin ang mga nauna sa atin — harinawa’y magsilbing aral sa atin ang kanilang buhay at mga sakripisyo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page