Trapo alert! Mga pangakong napapako, paasa lang!
- BULGAR

- Apr 3, 2025
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 3, 2025

TAWAG SA MGA PULITIKO NA NANGANGAKONG NAPAPAKO, MGA TRAPO! -- Ito ang ilan sa mga pangako ng mga kumakandidato sa pagka-senador. Pabahay, trabaho, murang bigas, murang pagkain, mababang singil sa kuryente, tubig, pababain ang presyo ng gasolina, libreng gamot.
Ang tawag sa mga pulitikong nangangako ng ganyang klase ng mga pangako ay mga trapo (traditional politicians) kasi kapag sila ay naluklok na sa poder, mga pramis nila mapapako na, boom!
XXX
REELEKSYUNISTANG PARTYLISTS MGA ‘NGANGA’ SA OIL PRICE HIKE KAYA’T DAPAT TODA AKSYON PARTYLIST MAILUKLOK PARA MAY BABATIKOS SA DOE AT OIL COMPANIES -- Nagkaroon na naman ng bigtime oil price hike, pero ang mga partylist na may puwesto ngayon sa Kamara ay mga dedma lang, mga walang paki sa panibagong dagdag-dusa sa mga motorista.
Kabilang sa tinamaan sa bigtime oil price hike na ito ay mga tricycle driver, kaya’t panawagan natin sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), kung nais ninyong magkaroon ng boses sa Kamara ang inyong sektor, suportahan n’yo ang TODA Aksyon Partylist para kapag may mga ganyang pahirap na taas-presyo sa mga produktong petrolyo, may babatikos sa Dept. of Energy (DOE) at sa oil companies, period!
XXX
PINANINDIGAN NAMAN NI SEC. GATCHALIAN NA WALANG PULITIKONG MAKAKA-EPAL SA PRO-POOR PROGRAM NG DSWD KAYA'T SANA ANG AKAP HINDI NA KAINITAN NG CIVIL SOCIETY GROUPS – Tila walang puso sa mga mahihirap na kababayan ang mga civil society group na nagsampa ng petisyon sa Supreme Court (SC) na humihiling na ipatigil ang implementasyon ng Ayuda sa Kapos ang kita Program (AKAP) sa panahon ng eleksyon.
Hindi naman mga pulitiko ang nakikinabang dito kundi ang mga mahihirap na Pinoy, at pinatunayan naman ni Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na wala siyang pinapormang politicians sa pamamahagi ng AKAP at iba pang pro-poor program ng kagawaran, kaya’t sana hindi na kinaiinitan ng civil society groups ang mga programang pangmahirap ng kagawaran.
Palibhasa kasi mga rich ang mga miyembro ng civil society groups kaya’t hindi nila ramdam ang dinaranas na kahirapan ng mga maralitang Pinoy, boom!
XXX
MAY ‘PROTECTION RACKET SYNDICATE’ NA RIN SA CALABARZON -- Sa jurisdiction ni PNP-Region 4-A Director, Brig. Gen. Kenneth Lucas sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) ay pumutok ang mga pangalang "Tata Obet," "Adlawan" at "Dimapeles" na sangkot daw sa protection racket sa mga ilegalista sa mga lalawigang ito.
Parami na nang parami ang mga nasasangkot sa protection racket kaya’t kapag walang ginawang aksyon si PNP Chief Gen. Rommel Marbil para hulihin ang mga ito, darating ang panahon na bawat rehiyon sa bansa, may mga protection racket syndicate na, period!







Comments