Training ni Pacman, tapos na, babawiin ang Korona kay Ugas
ni Gerard Arce / MC - @Sports | August 17, 2021

Sinelyuhan na ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao ang kanyang six weeks training camp para sa inaabangang laban nito kontra kay Yudernis Ugas sa Agosto 22.
Sa huling sparring session nito, umubos si Pacquiao ng apat na round kontra sa sparmate nitong si Abraham Lopez. Mas kinailangan ni Pacquiao na maka-spar si Lopez matapos umatras ang southpaw na kalaban nitong si Errol Spence dahil sa right eye injury. Imbes na si Spence, pumalit bilang kalaban ni Pacquiao si orthodox fighter Ugas sa labang gagapin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.
Aminado si Lopez na maganda ang kondisyon ni Pacquiao sa ngayon sapagkat napanatili pa rin nito ang kanyang bilis, timing, at persistence. Hindi umano kumupas o bumagal ang footwork ng fighting senator na malaki ang maitutulong para madaling maidispatsa ang medyo may kabagalang si Ugas. Kumpiyansa naman si coach Freddie Roach na sasapitin ni Ugas ang kapalaran ni Kieth Thurman, na tinalo ni Pacquiao noong 2019. Naniniwala si Roach na hindi uubra sa bilis at lakas ni Pacquiao si Ugas kahit pa 42-anyos na ito sa ngayon.
Matapos tanggalin kay Pacman ang WBA Super-World welterweight title noong Enero dahil sa matagal na hindi pagsabak sa boxing, mabibigyan siya ng pagkakataon na mabawi ang nawalang kampeonato, na maaaring huling beses ng lalaban kontra Ugas.
“Ugas is a champion because they gave him my belt. Now, we have to settle it inside of the ring,” wika ni Pacquiao (62-7-2, 39KOs). “In the end, I want to win the belts. I'm so excited for this championship fight and I don't care if I'm the challenger or champion coming into it. We'll see who is the champion,” dagdag ni Pacquiao.
“I feel great. My team has full confidence in my capabilities even at 42 years old and they note that I still have what it takes to face elite caliber opponents. Although the recuperation period of a 42-year-old may not be the same as a 25-year-old fighter, I still love what I am doing. I'm enjoying training and I'm learning more about myself everyday,” saad ni Pacquiao sa panayam ng Betway.com.





Comments