top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Trailer, ipinalabas na… BAGONG SERYE NI JODI, NILAIT NG MGA NETIZENS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 18, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 18, 2021




Ipinapakita na ang full trailer ng Pinoy adaptation ng BBC series na The World of A Married Couple, na ginawang The Broken Marriage Vow ng ABS-CBN.


Pinagbibidahan ito nina Jodi Santamaria, Zanjoe Marudo at Sue Ramirez.


Maganda naman daw ang trailer ng TBMV, kaya lang, nagmukha raw itong cheap dahil sa voiceover na ginamit.


Napansin din ng mga netizens ang akting ni Jodi.


Anila, "Labas litid na naman. Umay much na. Dapat may variety."


"As if may variety ‘yung pinapanood mo.”


"Ba’t parang ang haggard/puyat ni Jodi?"


"Sue can’t hold a candle du’n sa orig na kabit. Mas magaling at super mas maganda by a mile!"


"Ay, magaling si So Hee talaga, iyak kung iyak. Sue is bano, I'm so sorry."


Sabi naman ng isang commenter, "Bakit parang puro paghihiganti ni Jodi ang magaganap?


Haha! Puro gigil ni Jodi ang nakita ko, tapos ‘yung sigaw sa dulo ni Sue, ano ito? Patayin sa Sindak si Barbara? Hahaha!”


Pansin naman ng isa hinggil sa voiceover, "Walang ibang ma-hire sa voiceover? Ang baduy pakinggan."


"Sayang ‘yung setting at alta clothes, naging cheap ang dating, nasira sa VO. Naging Ang Probinsyano tuloy."


"Halatang pagod na eyes ni Jodi kaya sana, pagpahingahin n’yo naman siya, utang na loob.


Give other artists a chance."


"Grabe, hindi ba naaawa ang Kaf (Kapamilya) kay Jodi? Wala yata siyang pahinga kaya ‘yung eyebags niya, ang laki-laki na at ang payat pa niya. Ang dami n’yong artista sa Kaf, pero si Jodi, paulit-ulit na lang, halos pare-pareho pa ang role niya. Nakakaloka!"


"From Amor to Marissa tapos Jill. Parehong revenge keme ang characters."


"May nakapagsabi na kung ganyan daw buhok ng asawa niya, talagang iiwan siya."


"Maganda ‘yung trailer, actually, nagpa-chaka lang talaga ‘yung voiceover nu’ng lalaki na laging present sa mga trailers ng Kaf. Ang baduy pakinggan. Puwede namang mag-trailer nang wala nu’n."


"Biglang naging chaka dahil sa VO. Lagyan n’yo ng class."


"Jodi is very convincing. I don’t know about Zanjoe & Sue."


"‘Kaloka ‘yung voiceover, CHIPANGGA.”


Anyway, kung favorite ng Kapamilyang kunin ang serbisyo ni Jodi, worth it naman, ‘di ba, folks?


Deserving naman ang aktres dahil nabibigyan niya ng justice ang role na kanyang ginagampanan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page