top of page

Trade talks ng US at ‘Pinas, negosasyon kuno?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1
  • 2 min read

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | August 1, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Hello mga beshie, nabalitaan niyo na ba ang latest chika? 19% daw ang sisingilin para sa produktong Pilipino tapos 0% naman para sa Amerika! Ha???


Imagine niyo ‘to ha: habang tayo’y todo-kayod para isalba ang ating farmers, manufacturers, at sari-saring lokal na negosyo, aba ang produkto ng U.S. may libreng entrance fee sa bansa! As in, VIP access ang goods nila all the way, samantalang tayo, tinanggap lang ang 19% singil na ibinigay nila! Patas ba ‘yon?! Saan banda naging fair ang trade talks na naganap? I feel beTRADE, besh! 


95% ng produkto ng Amerika ay duty-free na raw. Samantalang sinabi pa ni DTI Sec. Roque na hindi maaapektuhan ang mga produkto nating bigas, asukal, baboy, manok, mais at iba pa. Tapos pinayagan ang 95%? Ang palusot: para raw mabalanse ang trade deficit nila. Wit ganern! Parang potluck na ikaw lahat ang nagluto, nag-serve, naglinis — tapos siya ang may take home.


Hindi ito negotiation, beshie. Bagsak presyo na ito ng dignidad natin. Binarter ang kinabukasan ng mga magsasaka kapalit ng discounted military surplus? Ano ba?!


Kaya ‘wag tayong pauto sa mga press release na puro strategic eme. Obvious naman na ginisa tayo sa sariling mantika, haller?! 17% taripa nga lang ang usapan noong Abril tapos biglang naging 19% pa ang taripa matapos ang negosasyon ngayong Hulyo. Anyare?


Dagdag pa ni Sec. Roque, “It’s really the U.S. who will decide.” Aray ko po! So anong ginawa ng Team Pilipinas sa negosasyon kuno sa Amerika? Nag-antay lang ng desisyon ng kabila? Naku ha!


Walang winner sa trade talks na ‘to dahil dapat patas at pantay ang kasunduan sa magkabilang panig. Kapakanan ng bayan dapat ang inuuna at pinoprotektahan, hindi ng ibang bansa. Agree?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page