Toxic na raw ang relasyon kaya hiniwalayan…

GERALD, IDINIIN SI BEA MALINIS LANG ANG SARILI SA BREAKUP NILA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 7, 2021

Para kay Gerald Anderson, hindi niya matatawag na ghosting ang basta pagtalikod sa ex-GF niyang si Bea Alonzo.
Katwiran ng aktor, hindi naging maganda ang kanilang relasyon noon ni Bea at madalas ang away nila. Sobrang toxic na raw ang kanilang pagsasama at hindi na talaga sila nagkakasundo.
Sa pag-amin ni Gerald kay Boy Abunda sa status ng relasyon nila ni Julia Barretto, nilinis niya ang sarili sa ibinibintang sa kanya ni Bea na siya ay nang-ghosting.
Base kasi sa pahayag ni Bea, bigla na lang nag-disappearing act si Gerald at hindi na nagpakita-nagparamdam. Totally ay nawalan na sila ng communication. Hanggang sa nabalita na nga sa showbiz na sina Gerald at Julia na ang madalas na magkasama.
Well, hindi katanggap-tanggap sa grupo ng kababaihan ang katwiran ni Gerald na dahil away sila nang away ni Bea kaya naging toxic na ang kanilang relasyon. Reklamo pa ni Gerald, hindi pinakikinggan ni Bea ang kanyang punto at explanation.
Ganyan naman lagi ang palusot ng mga lalaking gusto nang kumawala sa dating karelasyon kapag nagsawa na. Hahanap na ng mga dahilan upang makawala at lumaya na.
Aawayin ba siya at pagdududahan ni Bea kung wala itong nararamdaman na pagbabago? Malakas ang instinct ng isang babae at naaamoy agad kung nagloloko ang kanilang karelasyon.
Siyempre, idedenay at hindi ito aaminin ng lalaki, hanggang sa unti-unti na siyang maglalaho na tila isang multo.
So, hindi ba 'yun ghosting para kay Gerald? Ano kaya ang magiging reaction dito ng mga ex niyang sina Kim Chiu at Maja Salvador at mismong ni Bea na basta na lang iniwan sa ere?
Kahit na anong paliwanag pa ang gawin ni Gerald, markado na siya ng mga netizens at hindi na nabubura ang kanyang nega image.





Comments