Top 1 sa media impact value… HEART, ITINAOB SI J.LO SA PARIS HAUTE COUTURE WEEK
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Rohn Romulo @Run Wild | July 23, 2026

Photo: IG _iamhearte & _jlo
Nanguna si Heart Evangelista bilang top celebrity voice sa Paris Haute Couture Week Fall/Winter 2026-2027.
Nakamit niya ang pinakamataas na media impact value (MIV) na umabot sa $7.5 million o humigit-kumulang P462.3 million.
Base sa inilabas na datos ng Launchmetrics last Friday, July 17, nasa No. 1 spot si Heart sa listahan ng celebrities na may pinakamalaking impluwensiya at exposure sa nasabing fashion event.
Pumangalawa naman ang Indian actress-model na si Esha Gupta na nakapagtala ng $1.7 million o mahigit P104 million MIV, na malayo ang agwat kay Heart.
Kinabog din ni Heart ang American actress-singer na si Jennifer Lopez na nasa ikatlong puwesto at may $1 million o nasa P61.6 million MIV.
Ayon pa sa ulat, nakalikom ang Paris Haute Couture Week ng kabuuang $239 million o mahigit P14 billion media impact value.
Sa latest achievement na ito ni Heart, ramdam ang kanyang kaligayahan at labis na nagpasalamat ang Pinay fashion icon. Nag-iwan din siya ng tatlong red heart emojis sa comment section.
Ka-tie si Kara…
IVANA, TINAOB SINA JESSICA SOHO, ATTY. PERSIDA ACOSTA, DRA. EDINELL CALVARIO AT VICKY MORALES, WAGING PUBLIC SERVICE HOST
HINDI pa rin makapaniwala ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi na nagwagi siya ng dalawang awards sa 1st Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Broadcast Awards.
Wagi si Ivana bilang Best Host for Public Service at ka-tie niya ang broadcast journalist na si Kara David.
Nakamit din niya ang tropeo para sa Best Public Service Show dahil sa mga ginagawa niyang pagtulong sa pamamagitan ng kanyang vlogs.
Sa Facebook (FB) post niya, mababasa, “Still can’t believe na nanalo tayo ng 2 FAMAS Awards.
“Thank You, Lord, for always reminding me that Your plans are always greater than mine. Lagi Mo akong sinusurpresa sa tamang panahon.
“Maraming salamat, FAMAS, sa tiwala. At higit sa lahat, maraming salamat sa bawat isa sa inyo na patuloy na nanonood, sumusuporta, at naniniwala sa lahat ng ginagawa ko.”
Dagdag pa ng actress-vlogger, “Nagsimula lang ako sa simpleng pangarap na makapagpasaya at makatulong sa kapwa. Kaya bawat blessing na natatanggap ko, mas lalo akong naniniwala na ‘di ‘to para sa akin lang, kundi para maibahagi rin sa mas maraming tao.
“Hangga’t may kakayahan ako, ‘di ako magsasawang tumulong at ibalik ang pagmamahal na ibinibigay ninyo sa akin.
“Maraming salamat. Mahal na mahal ko kayo.”
Parehong present sina Kara at Ivana para personal na tanggapin ang kani-kanilang award.
Sa kanyang acceptance speech, ibinahagi ni Ivana ang kanyang award sa kapwa niya mga nominado na sina Kara David, Jessica Soho, PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, Dra. Edinell Calvario at Vicky Morales.
“Maraming-maraming salamat po ulit sa FAMAS for this award. I actually want to share this also with my co-nominees dahil napakaganda talaga ng mga ginagawa rin nila.
“And again, with everything that’s happening in this world, I think it’s very important na nagse-share tayo ng positive content at tumutulong tayo sa ating mga kababayan because ‘di ba, sino pa bang magtutulungan kundi tayu-tayo lang,” pahayag pa ni Ivana, na kahit bina-bash ay patuloy ang natatanggap na blessings at nadaragdagan ang kanyang milyun-milyong followers.





Comments