TONI, TAMEME SA BLIND ITEM NA MINERAL WATER ANG GUSTONG GAMITIN SA BUHOK NIYA SA SALON
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 29, 2021

Sinagot ng magkapatid na Toni and Alex Gonzaga ang mga kumakalat na tsismis na tungkol sa kanila sa latest YouTube vlog ng huli.
Kabilang sa mga sinagot ng dalawa ay ang nasulat na blind item na nagpunta raw sila sa isang salon at ang gusto raw nilang gamitin sa kanilang buhok ay mineral water.
“Ni wala akong kagana-ganang sagutin ‘yan,” sey ni Toni.
“Talaga bang papatulan mo ‘yung ganu’ng kasinungalingan?”
Dagdag pa ni Toni, “Sometimes, there are rumors that don’t deserve your answer. They deserve your silence.”
Isa rin sa mga sinagot nila ay ang tsikang may pinagdaraanan si Toni kaya sobrang payat.
Ayon kay Toni, sadyang ganito raw ang kanyang katawan.
“Ganito talaga ang body type ko. Hindi mo maintindihan ang mga tao. ‘Pag payat ka, may pinagdaraanan, ‘pag mataba ka, ‘Wow, grabe naman, ang taba, magpapayat ka.’ Ako kasi, ang body type ko talaga, daddy, slender,” paliwanag ni Toni.
Sa tsismis naman na si Alex daw ang isa sa highest-paid celebrities sa YouTube, ayon sa actress/vlogger ay si Idol Raffy pa rin daw ang may hawak ng koronang ito.





Comments