top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Tom, proud na proud na asawa na si Carla

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 25, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 25, 2021




Ang gandang eksena sa kasal nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na magkasama ang estranged parents ng aktres sa paghahatid sa kanya sa altar.


Pinuri ng mga netizens si Carla dahil kahit hiwalay daw ang parents at mas close siya sa ina, ginusto pa ring maging kumpleto ang parents niya sa kanyang kasal.


Hindi raw gumaya si Carla sa ibang celebrities na ikinasal na kundi hindi imbitado ang ama, ang ina ang hindi imbitado dahil hindi kabati. Inisip tuloy namin kung sinong celebrity ang ikinasal na hindi imbitado ang ama. (Ayaw ni Dani Barretto, Tita. Hehe! — JDN)


Nakakatuwa ang post ni Tom after their wedding na, “Wala lang... flex ko lang na ikinasal ako kagabi sa isang napakagandang binibini. Officially, nabakuran ko na sa wakas.


WOOOOOT KASAL NA KAMI!!!!”


Ibinuko ni Ms. Lilybeth Rasonable si Tom na nakakatunaw ang mga titig kay Carla during the personal wedding vows at pati mga ninang (kabilang siya), natutunaw dahil sobrang sweet.


Sa To Have and To Hold, wala nang asawa ang karakter ni Carla, but in real life, kakakasal lang niya and starting a family with Tom.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page