top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tom, gets mo 'yun? CARLA: MAHIRAP MAGPATAWAD SA 'DI NAGSO-SORRY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 14, 2023



Ayon kay Carla Abellana sa kanyang posted video, ang pinakamahirap umanong leksiyon sa buhay ay ang magpatawad ng isang taong ‘di naman daw talaga nagsisisi sa kasalanang nagawa.


“One of the hardest lessons in life is to forgive someone who was never truly sorry.”


Wala namang ibinigay na clue ang Kapuso actress kung sino ang taong pinatutungkulan niya sa naturang post.


Ayon sa mga netizens, wala naman daw ibang taong nakaalitan ang aktres kundi ang dati nitong asawa na si Tom Rodriguez kung saan nauwi nga sa hiwalayan ang kanilang relasyon.


Malalim ang naging ugat ng paghihiwalay ng dalawa kahit na tatlong buwan pa lang silang nagsasama.


Nabulabog ang showbiz circle sa kanilang naging desisyon gayung halos siyam na taon silang magkarelasyon bago nagpakasal.


Si Tom ay sa US na naninirahan ngayon. Tanging panahon na lang ang makapagsasabi kung babalik pa ang aktor sa bansa para ituloy ang kanyang showbiz career o hindi na.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page