Todo-yakapan pa sa picture… BAKASYON SA TATE NINA BEA AT DOMINIC, TINAPATAN NG BONDING SA BAGUIO
- BULGAR
- Jul 18, 2021
- 1 min read
NINA GERALD AT JULIA
ni Nitz Miralles - @Bida | July 18, 2021

‘Kaaliw ang parinig ng mga fans nina Julia Barretto at Gerald Anderson kina Bea Alonzo at Dominic Roque na nasa bakasyon ngayon sa California. Nag-post kasi si Julia ng photos nila ni Gerald habang nagbabakasyon sa Baguio kasama ang pamilya ng aktres.
Comment ng isang fan nina Julia at Gerald, tiyak daw na masisira ang araw at maha-high blood ang mga bashers ng dalawa sa sweetness nila sa mga litrato. May larawan kasing si Gerald ang naka-back hug kay Julia at may larawang si Julia naman ang naka-back hug kay Gerald.
May nag-comment pang para kina Julia at Gerald, sapat nang sa Baguio sila nagbakasyon. Hindi na raw kailangang mag-world tour pa. In fairness, hindi naman nag-world tour sina Bea at Dominic dahil nasa California lang sila.
“Memory box” ang caption ni Julia sa photos nila ni Gerald and photos of her family na ipinost niya sa Instagram. Iniipon daw ni Julia ang photos na magkasama sila ni Gerald. Sign daw ‘yun ng pagiging sweet at malapit sa pamilya ng aktres.





Comments