Todo-TikTok kahit 'di na bagay… PLAYBOY NA HUNK ACTOR, DISENTE AT RESPETADO NOON, NAGMUMURANG-KAMIAS
- BULGAR
- May 8, 2021
- 1 min read
AT JOLOGS NA NGAYON MAPASAYA LANG ANG GF
Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 08, 2021

BLIND ITEM:
Naba-bash ngayon ang isang playboy na hunk actor dahil sa kanyang mga pinaggagagawa na alangan na sa kanyang edad.
Simula nang ma-in love sa jologs na babae ang aktor ay nabigla ang marami sa kanyang transformation.
Dati-rati ay mukha siyang kapita-pitagan, matalino at disente. Pero simula nang ma-in love sa babaeng jologs ay nabago na ang mundo ng hunk actor.
Ang lakas ng naging impluwensiya sa kanya ng bagong karelasyon. Ayon sa ilang nakakakilala sa hunk actor, hindi naman ganito ang kilos at ugali niya sa mga nauna niyang girlfriends.
Tulad na lang ng pagti-TikTok na alangan na sa kanyang edad. Feeling bagets at nagmumurang- kamias ang peg ng babaerong hunk actor kaya dismayado ang marami sa kanya ngayon.
Kung dati ay napakadisente ng kanyang imahe sa publiko, ngayon ay jologs na jologs na siyang kumilos at parang bata na kung anu-ano ang pinaggagagawa.
Pero, walang pakialam ang hunk actor sa sasabihin ng iba. Ang importante ay masaya siya sa kanyang buhay ngayon.





Comments