Todo-thank you kay Lord… SHARON, IPINAGSIGAWAN NA MAY TV SHOW, 2 MOVIES AT 3 TELESERYE NGAYONG 2021

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 30, 2021

Nag-live sa Instagram si Sharon Cuneta last Thursday para ibahagi ang ilang magagandang balita and updates sa kanyang career. Una na nga rito ang pagbabalik ng Your Face Sounds Familiar kung saan ay isa siya sa mga judges.
Masaya rin niyang sinabi na gagawa siya ng dalawang pelikula sa Viva Films.
“I am shooting 2 movies for Viva Films back to back, and I will tell you more about that sa mga darating na araw pero that’s sarado na,” pagbabalita niya.
Ipinitch na raw sa kanya ang 2 stories at parehong nagustuhan niya at ibang-iba raw sa lahat ng mga pelikulang nagawa niya. Kaya aniya ay sulit daw ang paghihintay ng kanyang mga fans.
Isa pang magandang balita ay gagawa rin siya ng 2 teleserye — one for Viva at isa sa ABS-CBN.
“If everything goes well at naayos ang schedule, I will have a teleserye for Viva Max, ‘yung kanilang channel. Muntik akong tumambling nu'ng ikinuwento sa akin, kasi it’s a sequel to one of my most favorite and beloved movies. Hindi ko maikuwento dahil bawal pa, pero ‘yun, iniyakan ko rin ang istorya,” masayang wika pa ni Megastar.
“No. 2, ini-schedule at 'pag naayos ang lahat ng detalye, magkakaroon din ako ng teleserye with ABS-CBN. Lahat po ‘yan this year,” she added.
May gagawin pa raw siyang isang serye na para sa isang local network kaya bale tatlong series ang kanyang gagawin. Nakipag-meeting na raw siya kay Direk Erik Matti and producer, Dondon Monteverde tungkol dito.
Bukod dito, ibinahagi rin niya na gagawa siya ng bagong album na koleksiyon ng lahat ng kanta ng favorite songwriter niya.
Sobrang happy and excited din si Shawie na ibinalita na may 2 offers daw siya na hindi pa niya puwedeng sabihin pero kapag natuloy daw ay araw-araw siyang ta-tumbling (sa sobrang saya).
Ito raw ang idinadasal niya kay Lord ngayon na matuloy ang dalawang offers na ito na aniya ay dream projects niya.
“Kaya rin ako sobrang mabilis pumayat ngayon dahil ang dami kong hindi akalain, tapos biglang inakalang mag-isa, biglang nagdatingan,” natatawa niyang sey.
Aniya pa, magiging proud daw ang kanyang Sharonians once na nag-push through ang mga malalaking proyektong ito.
“I cannot imagine how their pride in me is going to be, and how they’re going to be so proud of me and how excited they will be. I can’t wait, I cannot wait.
“Pero punumpuno po ang taon ko. Sign na naman ‘yan (ni Lord), either ‘Ibigay ko na ‘yan sa iyo lahat, anak, para dahan-dahang makapag-retire ka na’ or ‘Anak, huwag ka makulit, ayoko pa mag-retire ka.’ Lagi kasi akong nakikinig sa signs Niya, tinitingnan ko kung ano ‘yung mga cue ni God,” she said.
Ngayon pa lang ay labis-labis na ang pasasalamat ni Sharon sa Diyos sa pagdating ng mga blessings na ito at ipinagdarasal niya na matuloy lahat ito lalo na ang dalawang dream projects na hindi pa niya masabi. Pero once raw na talagang finalized na ay ia-announce naman niya agad.





Comments