top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Todo-takip ng tiyan sa mga piktyur… BABY NINA ANGELICA AT BF, INAABANGAN NA

  • BULGAR
  • Sep 7, 2021
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 07, 2021



Naintrigang muli ang mga netizens sa pose ni Angelica Panganiban sa piktyur sa kanyang Instagram kahapon.


Top shot ang anggulo ng piktyur kung saan nakatingala si Angelica habang may mga baraha at green chips na nakapatong sa maliit na lamesa.


Mapapansin sa piktyur na nakapatong ang isang kamay ni Angelica sa bandang baba ng dibdib niya at halos dikit na dikit ang katawan niya sa gilid ng lamesa.


Iisipin tuloy na tila may tinatakpan si Angelica at ayaw may makita sa kanyang tiyan.

Last time, napansin agad ng mga netizens ang medyo maumbok sa gilid na malapit sa tiyan ni Angelica sa kanyang picture na naka-post sa Instagram. Hinala ng mga netizens, buntis si Angelica.


Hindi nakaligtas sa co-actor ni Angelica na si Pepe Herrera ang saya sa mukha ng aktres na naka-based na sa Subic ngayon.


Comment ni Pepe, "You look sa (so) happy!"


Samantala, winish ng mga netizens si Angelica na pakasalan na siya ng boyfriend niyang businessman na si Gregg Homan.


"Hi idol Angge, sana po ikasal na kayo ni Papa Gregg para magkaroon na ng baby Angge. Miss ko na po mapanood ka uli sa teleserye at Banana Sundae."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page