top of page
Search
  • BULGAR

Todo-suporta sa utol… TONI, UNANG NAKAALAM NANG MAKUNAN SI ALEX

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 05, 2021





Ibinahagi ni Alex Gonzaga kung paano siya dinamayan ng Ate Toni Gonzaga niya during those times na may mabigat siyang pinagdaraanan.


Matatandaang ini-reveal ni Alex last October sa kanyang vlog na nakunan siya sa first baby sana nila ni Mikee Morada.


Ayon kay Alex sa virtual mediacon ng pelikula nila ng Ate Toni niya, ang The Exorsis na isa sa 8 official entries to the 47th Metro Manila Film Festival, talagang ipinaramdam sa kanya ng kapatid at mister nitong si Paul Soriano ang suporta at pagmamahal sa kanila noong panahong ‘yun.


“Actually, ang ate ko ang una kong sinabihan when I got pregnant and then, siya rin ‘yung. . . I think, Ate, ikaw din ang isa sa mga una kong sinabihan na hindi nga maganda ‘yung outcome.


But ang ate ko, ano siya, eh, hindi mo man mararamdaman ‘yung physically na nandiyan siya because iba na ‘yung bahay niya, pero her presence and her love, and ‘yung care niya, nararamdaman mo,” kuwento ni Alex.


Si Paul naman daw ay panay ang padala ng kung anu-ano sa kanila to show his love and support.


“Nagpapadala si Kuya Paul lagi, nagugulat ako, may mga balloons, may mga pagkain, flowers, gusto pa niyang bigyan si Mikee ng PS5 (Playstation 5), 'di ba ate?” sey ni Alex kay Toni.


Samantala, sobrang thankful ni Toni na isa sa mga producers ng The Exorsis dahil nakapasok sa MMFF 2021 ang movie. Of course, noong ginagawa raw nila ito ay hindi rin nila alam kung saan ipapalabas ang pelikula because of the pandemic.


“So, nu’ng tapos na ‘yung film, tapos ang tagal na niyang naka-can, bigla namang nagbukas ‘yung submission of entries for MMFF, ‘yun, thankful kami dahil nabigyan kami ng chance na maipasa. Tapos, sobrang bonus na in-announce na nakapasok,” ani Toni.


Ang The Exorsis ay isang horror-comedy film written and directed by Fifth Solomon.


Pangalawang MMFF movie na ito ng magkapatid na Gonzaga, gayundin ng TinCan Film Productions ni Toni. Ang una ay ang Mary, Marry Me noong 2018.


Co-produced by Viva Films, showing na ang pelikula sa mga sinehan sa Dec. 25. Kasama rin dito si Melai Cantiveros na ayon sa magkapatid ay lucky charm nila dahil kasama rin nila ito sa Mary, Marry Me.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page