Todo-suporta pa rin sa ex-GF… MAYOR BISTEK, NASA TABI NI KRIS SA FUNERAL MASS PARA KAY PNOY
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 27, 2021

Isa pang “ex” ni Kris ang present sa wake ni PNoy, at siya’y walang iba kundi si former QC Mayor Herbert “Bistek” Bautista.
Unlike James na ‘di lumapit kay Kris, nasa tabi naman ng nanay nina Bimby at Joshua si Bistek. Anupaman ang nangyari sa relasyon ng dalawa, at least, nakakabilib si Bistek dahil nand’yan pa rin siya sa tabi ni Kris para kahit papa'no ay makapagbigay ng comfort sa kanyang ex-girlfriend.
At gaya ng sinabi namin sa itaas, sa mga ganitong pagkakataon, nagkakapatawaran at nagkakasundo ang mga tao.
Ewan lang kung may maganap talaga na balikan kina Kris at Bistek.
Para sa amin, politically healthy kung magkakaayos — hindi man totally magkabalikan bilang magdyowa — sina Kris at Bistek.
Sabi kasi nila, every time may namamatay na “Aquino”, may tumatakbo at nananalong presidente.
Among Aquino sisters, mukhang si Kris daw ang may chance na pasukin din ang pulitika. Tapos, si Bistek naman, tatakbo bilang mayor ng Kyusi.
Although, ilang ulit nang sinabi ni Kris na ‘di niya papasukin ang pulitika and with her health condition right now, mukhang 'di tatagal si Kris sa kampanya pa lang.
But again, you never can tell, devaaah? Baka ma-challenge si Kris sa mga bumabatikos sa kanya and presto, magdeklara siyang bigla that she will run for president sa 2022.
Ay, ang saya-saya kapag nagkataon, hah! Star-studded ang presidential elections sa 2022 niyan lalo pa’t may tsika na tatakbo sa mas mataas na posisyon si Lipa City Congresswoman Vilma Santos. What if sa pagka-presidente rin siya tumakbo, 'di ba?
Just imagine, kapag naglaban-laban sa pagka-pangulo sina Congw. Vilma, Kris, VP Leni Robredo, Mayor Sara Duterte and Sen. Manny Pacquio sa 2022, pangmalakasang labanan ito, devah?!
Bongga!





Comments