Todo-suporta kay Bimby, pero… KRIS, UMAMING NAMAMAGA PA RIN ANG TUHOD AT SAKONG
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 6, 2026

Photo: FB Kim Chiu & Ryzza Mae Dizon
Ini-reveal ni Kris Aquino na hindi pa rin mabuti ang kanyang kalusugan pagkatapos lumabas sa telebisyon. Ang akala kasi ng publiko ay nasa road to recovery na siya, at konting panahon na lang ay balik na ito with her old self.
Pero ibinulgar ni Kris ang pinagdaanan niya nang dalawin niya ang anak niyang si Bimby sa isang noontime show.
Sa Instagram (IG) ni Kris ay may netizen na nag-comment na nami-miss na niya ang ina ni Bimby bilang host sa TV.
Comment ng netizen, “We miss Kris TV so much! You’ll always be the best host for us, and we keep you in our prayers. We love you, Ms. Kris. I have no doubt that Bimb will be one of the greatest hosts of his generation!”
Nag-reply si Kris sa comment ng netizen. At dito ay tinanggap niya ang bintang na isa siyang stage mother kay Bimby.
Masaya man na nakita si Bimby na nagho-host, tiniis lang niya ang namamaga niyang mga paa at tuhod.
Reply ni Kris, “I hope you’re a real person. 12 hours ago when I was watching in the studio of Eat Bulaga! and the ‘stage mom’ became the instant guest, I had this urge to go up the stage and join all the hosts. I promised you the truth always. My knees and ankles are so swollen now. I’m definite that I’ll be bedridden from Friday until Monday, Sunday if I’m lucky.
“I miss my job but my body isn’t strong enough yet. Pray with me please that after an activity-filled day, after a restful night’s sleep, by 1 PM, the next day, I’ll be ready to go again.
“Because after going to Manila Memorial on the 24th and Eat…Bulaga! on the 25th, I am ready to crash and will sleep for hopefully 16 hours.”
By this time, tuloy pa rin ang pagdarasal para kay Kris Aquino ng kanyang mga fans.
Pangarap, natupad na…
JM, PASOK SA SERYE NI COCO
NINERBIYOS pero na-excite ang aktor na si JM de Guzman nang malaman niya na makakasama siya sa serye ni Coco Martin na Sigabo.
Matagal na raw kasing pangarap ng aktor na makatrabaho si Coco. Bonus pa ang maidirek siya nito.
Gagampanan ni JM ang role bilang si Victor ‘Tigre’ Zafra. Ipakikilala siya sa aksiyon-serye bilang katrabaho ni Coco (as Gabo) sa mga mapanganib na misyon para sa vigilante group na Anino.
Bukod kay JM, papasok din ang mga karakter nina Chanda Romero, Efren Reyes Jr., Ron Martin, at iba pang respetadong artista sa pagsabak ni Coco (Gabo) sa kanyang unang misyon bilang secret agent.
And speaking of Coco, masaya ang aktor sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta ng mga televiewers sa Coco Martin’s Sigabo.
Masuwerte ang mga televiewers dahil mas marami ang mga platforms na mapapanood ang Sigabo.
Mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.





Comments