top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Todo-sawsaw sa isyu kay Kris… RUFFA, BUKING NA GF NI BISTEK

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 22, 2021
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 22, 2021



Tumalak si Ruffa Gutierrez sa administrator ng Twitter account ni former Quezon City Mayor and Senatoriable Herbert Bautista dahil nga sa mga recent tweets nito involving Kris Aquino.


Dahil sa mga tweets na ‘yun ay kontrobersiyal na naman ang KrisTek at pati ang fiancé ni Kris na si Mel Sarmiento ay sinita rin ang senatoriable.


Kaya naman, imbiyernang-imbiyerna si Ruffa sa admin ni Bistek at binantaan pa niya itong tatanggalin.


“Dearest Admin of @Bistek858, Puwede ba, ayusin mo mga tweets mo. Make them RELEVANT & CURRENT. Hindi ka nakakatulong, nakakasira ka pa. Huwag mo nang buhayin ‘yung mga matagal nang patay at nananahimik na issue. OR ELSE…you’re FIRED!!


“Such an amateur,” ang tweet ni Ruffa.


Kami lang ba ang nakapansin na parang girlfriend ni Bistek si Ruffa kung makatalak ito?


Siya ba ang tinutukoy ni Kris na bagong girlfriend ni HB?


As we all know ay matagal nang nali-link sina Ruffa at Bistek and in her past interviews ay sinabi naman ng aktres na matagal na nilang family friend ang dating alkalde ng Kyusi.


Well, puwede namang concerned lang si Ruffa kay Bistek “as a friend” kaya siya tumalak nang ganu’n. Pero we can feel that there’s more to it lalo pa nga’t parang may right ang aktres na magtanggal ng tauhan ni HB.


Anyway, wala namang masama if ever. At least, mapapalitan na ang KrisTek ng RuffaTek or RuffTek, ‘di ba naman?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page