top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI

Todo-pramis noon na ‘di iiwan… HIRIT NG NETIZENS: MEL, ‘DI NA KINAYA ANG TOPAK NI KRIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 04, 2022





Dahil burado na nga ang mga larawan ng fiancé ni Kris Aquino na si Mel Sarmiento sa kanyang Instagram, maraming netizens ang nagsasabing posibleng hindi na matutuloy pa ang kanilang pagpapakasal.


Kahit na nag-propose na nga si Mel Sarmiento at nangako na aalagaan at hindi niya iiwanan si Kris, may mga pangyayaring hindi napipigilan. Maaaring may mga bagay silang hindi mapagkasunduan.


Hindi na ikinagulat ng marami ang senaryong ito kina Kris at Mel. Noon pa lang unang inamin nila sa publiko ang kanilang relasyon, marami na ang duda kung kakayanin ni Mel Sarmiento ang pabagu-bagong mood swings ni Kris. Kahit pa ubod na nang bait at pasensiyoso si Mel, hindi niya kayang pasunurin si Kristeta sa kanya.


Marami naman ang nanghihinayang sa relasyong Kris-Mel kung mauuwi lang sa paghihiwalay.


Hindi na raw makakatagpo si Kris ng lalaking katulad ni Mel Sarmiento.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page