top of page
Search
  • BULGAR

Todo-parinig na naman daw kay Gabby… "SILENCE IS BETTER THAN UNNECESSARY DRAMA.” — SHARON

ni Julie Bonifacio @Winner | February 15, 2024



Palaisipan ang bagong cryptic post ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram kahapon.


Pilit na inaalam ng mga netizens kung sino ang pinapatamaan niya sa kanyang post.


Sabi sa art card na ipinost ni Mega, “Silence is better than unnecessary drama.”


Sa comment section ay tila may pahaging ang mga netizens sa kung sino ang hula nila na pinatatamaan ni Sharon.


Isang mahabang comment ang ipinost ng netizen na nagsabi na may nagpaparinig na “isa” kay Mega.


“I hope you've learned from over sharing in the past, and that brought you to a place that wasn't very kind. Ito na rin sana 'yung last parinig quotes mo, Mega. Kung magparinig man 'yung isa, don't response na. As in DEDMA na dapat, you don't owe anyone an explanation.


“Okay lang din kung hindi ka mag-update for months. Si Angel Locsin nga, 2 years nang walang paramdam. Kung may mga future projects ka, 'yun na lang ang i-post mo. Huwag na mga personal na nangyayari sa buhay mo, para ma-curious ang mga tao.


“Of course, we will miss you, pero maiintindihan namin. Enjoy your social media detox, LIVE YOUR BEAUTIFUL LIFE!”


Reply ng isa pang netizen sa comment sa itaas, “So does Gretchen Barretto too! It's better to have peace of mind kaysa hangarin ang kayamanan ng mundo. At mag-concert ka na, Sharon, sa America kahit ikaw lang or kahit sinong kasama mo, pinapanood ka namin lagi. I watched you 2x in Pechanga Resort and one in Chicago. TC and Happy Day!!!”


Tanong pa ng isa, “Sino po 'yung isang nagpaparinig, curios lang po.”


Duda ng iba, si Gabby Concepcion ang taong tinutukoy ng netizen na may “parinig” kay Mega.


Kasi, nag-back-out daw si Mega sa supposed to be Valentine concert and series of shows nila ni Gabby sa loob at labas ng bansa.


Kaya si Gabby, sa ibang artista na lamang sumama para magkaroon ng concert. 


Parang ang parinig daw siguro ni Gabby kay Sharon, kahit wala si Mega, dadagsain pa rin siya ng offers para mag-concert.


True kaya ito?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page