Todo-pakilig para sa project… ISABEL, SUPORTADO ANG BALIKANG HEART-JOHN
- BULGAR

- 3 days ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 15, 2026

Photo: IG _isabeloliprats & _iamhearte
Makikita ang red heart emoji comment ni Isabel Oli-Prats bilang reaction sa reels video nina Heart Evangelista at John Prats na nagli-lip sync ng kanta.
Sinagot siya ni Heart ng “@isabeloliprats colors.”
Tinawag na supportive wife to John si Isabel at dahil dito, love siya ng mga fans nina Heart at John.
May mga nag-comment ng “We love you, Mrs. Prats,” at “I love you na, Mrs. Prats. We love the three of you.”
Masaya at tuwang-tuwa ang mga fans nina Heart at John sa reels ng dalawa at sa post ni Heart na “Something’s cooking.” Ang tinukoy nito ay ang kinumpirma niyang upcoming project nila ni John. Wala pang ini-announce na detalyadong project, kaya hindi pa alam kung pelikula ba o TV series ito.
Ang nabanggit ni Heart, para ito sa kanilang loyal fans at dedicated supporters ni John na 20 years nang sumusuporta sa kanila.
Pangako ni Heart, “We shall give you a major fan service! Batang ‘90s, ready!” at nag-agree si John.
Sa photoshoot ng dalawa, si Heart ang nag-makeup kay John at ‘kaaliw ang comment ng huli na “Magiging kamukha ko na si Heart.”
May nakakatuwa pang comment na, “Isabel at Chiz left the earth, just kidding…” na sina Isabel at Sen. Chiz Escudero ang tinukoy at obvious namang nagbibiro lang.
DONNY, NAMIGAY NG BIGAS SA MGA BINAGYO SA CAVITE
TUMULONG ang aktor na si Donny Pangilinan sa mga naapektuhan ng magkasunod na bagyo, kung saan bumaha sa ilang lugar.
Hindi naman siya maaakusahan na ginawang publicity stunt ang pagtulong sa Bgy. Acacia, Silang, Cavite dahil residente ng lugar ang nag-post ng mga photos.
Siyempre, titingin siya sa camera at in fairness, sa isang larawan lang siya makikitang nakatingin.
Sa comment section ng nag-upload ng photos ni Donny, hindi raw planado ang pamamahagi nito ng tulong. Nagulat na lang daw ang mga residente ng barangay nang dumating ang aktor. Tinulungan siya ng mga barangay officials para maging maayos ang lahat. Bag of rice at goodies ang dala ni Donny.
Ang kuwento, nag-ikot pa siya sa ibang barangay sa Cavite para mamigay ng tulong. Kita sa mga larawan na masaya ang mga nabigyan at pinuri ng mga fans ang pagiging consistent nito.
Bata pa lang daw, matulungin na talaga si Donny.
BAGONG MOVIE NINA JULIA AT JOSHUA, MAPANAKIT NA NAMAN
MAY playdate na ang movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia na sa title pa lang, mapanakit na. Ito ang Always Yours, Never Mine (AYNM), sa direksiyon ni Cathy Garcia-Sampana at produced ng Star Cinema.
Sa title pa lang, nasaktan na ang mga fans at nadagdagan ang sakit nang mapanood ang ilang eksena ng dalawa na look test daw. Sa batuhan ng linya nina Julia at Joshua, lalong masasaktan ang mga moviegoers.
Well, may request ang mga fans na magkabalikan sina Julia at Joshua. May umaasa namang magiging totoo ito, kaya lang, parang malabo dahil si Julia lang ang single, habang may girlfriend si Joshua.
May request naman na sana, gumawa ng movie sina Julia at Joshua na hindi masakit sa dibdib ang concept, ‘yung hindi magpapaiyak. Maganda raw kung lalabas ng sinehan na hindi namumugto ang mga mata at sa halip ay nakangiti.
First movie ito ni Julia na wala na siya sa Viva, pero dahil Star Cinema ang producer, alam ng mga fans na itotodo ang promo nito. Malaki rin ang posibilidad na magkaroon ng international screenings na inire-request ng mga fans na based abroad.





Comments