GF mo, Ruru, palaban… BIANCA, GAME SA TIKIMAN KAY JOSHUA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 3, 2026

Photo: IG _bianxaeza
Naging emosyonal ang Kapuso actress na si Bianca Umali matapos mapanood ang pelikula niyang Always Yours, Never Mine (AYNM).
Mahalaga ang naging role ni Bianca sa reunion movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Maraming fans ang nagulat dahil mature and daring ang ilang eksenang ginawa niya. May kissing scene kasi sila ni Joshua habang naliligo sa bathtub. Mag-asawa ang role nila sa movie.
Sa edad niyang 26, napapanahon na rin naman na tumanggap si Bianca ng mature role. At thankful siya kina Julia at Joshua dahil napaka-warm ng pagtanggap sa kanya bilang bahagi ng AYNM. Marami siyang natutunan sa dalawa.
In fairness, hindi naman siya nasapawan ni Julia, lalo na sa kanilang confrontation scene.
Nagpapasalamat din ang aktres kay Direk Cathy Garcia-Sampana sa pag-alalay sa kanyang mahihirap na eksena. Grateful si Bianca sa Star Cinema sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan.
RYZZA, NAUNAHAN PA NG MADIR SA PAGKAKAROON NG ENDORSEMENTS
Maganda ang feedback sa mga vlogs ng Mommy Rizza ni Ryzza Mae Dizon. Pumalo na ito ng milyun-milyong views.
Kadalasan ay ang pagluluto ng iba’t ibang Filipino food ang content ng vlog ni Mommy Rizza. Minsan ay may content sila na namimigay ng ayuda sa mga binaha sa kanilang lugar sa Pampanga.
Magaan at natural ang style ng vlog lalo na kapag magkatuwang sila sa pagluluto ng Filipino dishes.
At dahil 10M na ang views ng Team Ryzza, may mga endorsements na rin ngayon ang ina ng host.
Kaya marami ang nagtatanong kung bakit naunang magkaroon ng endorsement si Mommy Rizza kaysa kay Ryzza Mae. Puwede naman silang dalawa ang mag-endorse ng mga produktong sangkap sa pagluluto.
At maraming fans na hanggang ngayon ay nananatiling loyal kay Aleng Maliit.
Para sa pasabog na show…
GOV. DANIEL, GINASTUSAN ANG MGA DATING SEXY STARS
LABIS na nagpapasalamat ang grupo ng mga dating sexy stars during the ‘90s kay Bulacan Governor Daniel Fernando.
Hindi kasi nakakalimot ang aktor-pulitiko sa mga dating kasamahang artista na dumadalaw sa kanyang opisina.
At sa sarili niyang paraan, kahit papaano ay nag-aabot si Gov. Daniel ng tulong sa mga jobless na dating sexy stars.
Sa pangunguna ni Katrina Paula ay magkakaroon ng concert ang mga sexy stars of the ‘90s.
Magsasama-sama silang muli sa isang concert upang patunayan sa lahat na taglay pa nila ang karisma na kinabaliwan noon ng mga kalalakihan. At kahit papaano ay may hatak pa rin sila. Kaya, paghahandaan ng mga sexy stars ang isang pasabog na palabas.
Si Bulacan Gov. Daniel ang major sponsor ng Sexy Stars of the ‘90s concert.
TUWANG-TUWA ang buong cast ng sitcom na Pepito Manaloto dahil bukod sa mataas na ratings ng show ay may 10M views na ito ngayon sa YouTube (YT).
Magsisilbi itong inspirasyon para sa lahat upang mas pagandahin pa nila ang PM. At sunud-sunod din ang nakamit nilang pagkilala mula sa ilang award-giving bodies sa industriya.
Maging ang mga guests ay naaaliw dahil masaya ang ambience sa set. Personal na tumutulong si Michael V. sa pagbuo ng masasayang kuwento ng mga episodes.





Comments