JOSHUA, IPINOST ANG PICTURE NILA NI JULIA HABANG MAGKATABI SA KAMA

ni Mercy Lejarde @Talkies | October 3, 2026

Photo: IG _garciajoshuae
Winner ang ibinahaging behind-the-scenes na mga larawan ni Joshua Garcia mula sa shooting ng Always Yours, Never Mine (AYNM) nila ni Julia Barretto.
Makikita sa larawan na magkatabi at nakahiga sa kama sina Joshua at Julia, habang kapansin-pansin ang ngiti at kilig ng aktor.
Saad ni Joshua sa kanyang post, “arapaap / dream.”
Ang ‘arapaap’ ay salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay dream.
‘Yun lang, and I thank you.
SYLVIA, TODO-THANK YOU KAY LORD DAHIL SA MGA ‘ANGELS’ NA IBINIGAY SA KANYA
Nagpasalamat ang aktres na si Krystel Go sa itinuturing niyang pangalawang ina sa showbiz na si multi-awarded actress Sylvia Sanchez.
Sa isang social media post, ibinahagi niya ang pasasalamat kay Ibyang sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na makapagtrabaho sa I’mPerfect.
Kalakip ng kanyang mensahe ang larawan nila ni Sylvia.
Ani Krystel, “Gusto kong maging ibon... malaking ibon!
“Kasi gusto kong matutong lumipad, mangarap, at abutin ang mga bagay na dati ay akala ko, ‘di ko kayang gawin.
“Thank you po, ‘Nay (Sylvia Sanchez), for opening the door for people like me through I’mPerfect.
“Dahil sa opportunity na ibinigay ninyo, mas marami pang pangarap ang nagkaroon ng pakpak.
“Salamat po sa paniniwala sa amin. Thank you, ‘Nay!”
Naiyak naman si Ibyang sa mensahe ni Krystel at sinabing nakakataba ng puso ang kanyang pasasalamat.
Ani Sylvia, “Nakakaiyak naman ‘to, my Jessica, Krystel Go. Galing mo talaga magpaiyak! Walang anuman, ‘Nak.
“Ang sarap sa puso tuwing naririnig ko ‘yang pasasalamat mo. Ako rin, ‘Nak, sobra-sobra ang pasasalamat ko, kasi isa ako sa mga ginamit na instrumento ng Diyos para makalipad kayo nang tuluyan.
“Maabot lahat ng pangarap at mga pinapangarap n’yo pa. At maraming, maraming salamat sa Diyos dahil sa I’mPerfect din, nabiyayaan ako ng mga Anghel… Kayo.
“Love you, Krystel!! At love you all, my Nathan (Studio) Angels.”
Kabilang sa mga tinawag niyang Nathan Angels sina Earl Jonathan Amaba, Royce Gian Rivera, Gio Dicen, Javi Jason Arcilla Sarmiento, Jonathan Tilos, Bea Angela Mendoza, Angela Batallones, Sam of PakaPaka Vlog 2.0, Nicolle KaSpecial at Carl Jason Garcia.
Mapapanood ngayon sa Netflix ang I’mPerfect at pasok na rin ito sa Top 8 movies ng Netflix.
Sa CinePanalo Filmfest 2026…
MONO NO AWARE NI JK, HUMAKOT NG 9 AWARDS
IBINAHAGI ni Puregold CinePanalo Festival Chair Ivy Hayagan-Piedad ang kahalagahan ng awards night para sa mga Filipino filmmakers.
Aniya, taun-taon nilang ipinagdiriwang ang husay, galing at passion ng mga Pinoy filmmakers na patuloy na gumagawa ng pangalan sa Philippine cinema.
“We proudly celebrate their achievements and we will continue to push this new voice and new perspective that move, inspire, and resonate with our Panalo Cinema audience,” saad ni Chair Ivy.
Samantala, naging makulay ang pagtatapos ng 2026 Puregold CinePanalo Film Festival matapos manguna ang Mono No Aware (MNA) at Limlim sa mga pangunahing awards sa kani-kanilang kategorya.
Sa full-length category, pinakamaraming awards ang naiuwi ng Japan-set drama na MNA na nakakuha ng siyam na parangal.
Kabilang dito ang Pinakapanalong Pelikula, Panalo sa International Jury, Panalong Director para kay BC Amparado, Panalong Aktor para kay Juan Karlos ‘JK’ Labajo, Panalong Pangalawang Aktres para kay Momoko Kobayashi, Best
Ensemble, Panalo sa Cinematography para kay T.M. Malones, Panalo sa Editing para kay Edmund Telmo at Panalo sa Sound Design para kay Willie Apa Jr..
Patuloy namang mapapanood ang mga pelikula ng Puregold CinePanalo hanggang October 4 sa Gateway Cineplex 18, TriNoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay at Market! Market!
Isang malaking congratulations sa buong team ng Mono No Aware at Limlim sa kanilang mga natanggap na parangal.





Comments